Prayer: Sana gumaling na ang panga ni @HannahMaghari. Sana rin wag muna silang humingi ng update dahil maglalaba ako ngayong sabado. Nyahahaha! Wag sana mangyari na sapukin ni @xiijhane si Violet, dahil kampon ko sya. Pakisabi na rin na wala akong pera pambigay ng porcelain sa panga ni @HannahMaghari. Nagsuggest na nga ako, ako pa rin ang gagastos? Naknang!!!!!!
Kaway kaway kay @mysweetaliyah42 @cherylrocero6 @pjean08 salamat sa mga comments nyo at hindi kayo simbully ng isa dyan na nagdadahilan ng panga nya! Waahahah!
**********************
Patay!
SAlubong na naman ang kilay ng unggoy. Usok na naman ang ilong.Bwisit talaga tong si Violet! Pahamak!
"Ano ba yan Lhui?" tanong nya. "Ano yung narinig ko?" tanong nya uli dahil hindi ako makalingon sa kanya.
"Lhui, una na ko" mahinang sabi ni Jhoey. Parang pati sya natatakot kay Kaye at iniwan akong mag-isa. Nung makaalis sya, saka ako humarap sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya hindi ko alam kung pano sasabihin.
"Nakasalubong ko si Violet, nasuspend ka daw? Anong nangyari? Ano yung sinasabi ni Jhoey?" may konting inis o galit sa boses nya. Para akong batang pinapagalitan na hindi makatingin sa kanya.
"Hayaan mo na. Ahm!" Hindi ko alam kung paano sasabihin...... kinakabahan ako.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko Lhui! Sabi ko naman sa'yo kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na ko dapat inaalala pa. ANo bang ginawa mo? Bakit may suspension? Ano yon?" sunod-sunod nyang tanong.
"Wala naman akong ginagawang masama. Kung hindi lang naman dahil kay Violet, wala namang ganitong mangyayari!" inis ko na ring sabi. Napakapit sya sa noo, sabay talikod sa ken. Humarap din sya pagkatapos ng ilang minuto.
"Nagtitinda lang naman ako sa classroom. Wala namang masama dun. Wala namang nakalagay sa handbook na bawal yon." sumbong ko sa kanya.
"Para sa ken?" tanong nya. Tumango lang ako habang nakatungo. Napabuntong hininga sya.
"Alam ko namang gusto mo kong tulungan. Hinayaan naman kita, pero di ba sabi ko sayo. Wag mo lang ikapapahamak. Tigilan mo na yan......... wag mo na kong alalahanin. Okay?" hawak nya ko sa magkabilang balikat.
"Kung hindi naman dahil kay Violet, hindi naman ako masususpend. Tsaka wag mo nga sabihing wag kitang alalahanin. Anong gusto mo? Panoorin lang kita kahit nahihirapan ka na? Ano ba ko?" mataas na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ilang minutong katahimikan ang nagdaan......................................
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!