Part 61

419 15 5
                                    

Pasensya na po kung natatagalan ang UDs🤪 Ngangay-on natapos ih! Hadya ng makanakaw ng oras sa pagbuo na-re at kadaming ginagawa.😭😭😭

*********







Gabi na ng makauwi si Kaye. Pagod na pagod sya sa maghapong guestings, taping at rehearsal. Pagbukas nya ng pinto, inabot nya si Lhui sa kitchen habang naglilinis ng mesa. Mukhang late na rin nag-dinner ang asawa. Simpleng ngiti lang ang sinalubong ni Lhui habang papalapit si Kaye sa kanya. Diretso lang sya sa ginagawa nyang paglilinis ng maupo si Kaye sa upuan at pinatong ang mga kamay sa mesa. Lumapit si Lhui at hinalikan ito sa pisngi. "Kumain ka na?" tanong nya at tumango lang ang asawa. Hinawakan ni Kaye ang kamay nya. Naupo sya sa tabi nito. Magkahawak ang kanilang kamay. Nakatitig sila sa isa't isa. Ilang minutong katahimikan.







Isang malalim na hinga ang sinimulan ni Kaye bago nagsalita. "How's your day?" tanong nya. Parang nanibago si Lhui kaya hindi agad sya nakasagot. Ngayon na lang uli sya kinamusta ng asawa. "O....okay naman. I went to the gym. Went back home. Did some groceries after, tapos checked some emails from the office. Tulad lang ng dati. Ikaw? Mukhang pagod na pagod ka na naman." mahinahon nyang sagot. Nakatingin sa kanya si Kaye na parang may hinihintay. "Aren't you missing something? Something that you want to tell me?" Nagtaka si Lhui sa response nya. Ano bang sinasabi nito? Sa isip isip nya. Hindi sya makasagot dahil hindi alam ang sasabihin. "Okay! Sige. I saw you and Clar sa isang coffee shop kaninang umaga malapit sa gym. Mukhang ang saya nyo. May dapat ba kong malaman Lhui? Are you cheating on me?" mahina pero puno ng galit ang mukha ni Kaye at napahigpit ang hawak nya sa kamay ni Lhui. Mabilis namang binawi ni Lhui ang kamay nya at isang malakas na sampal ang pinakawalan nya sa pisngi ng asawa. Pareho silang nabigla sa nangyari. Naunang tumulo ang luha ni Lhui bago pa sya nakapagsalita. Mahina at halos bulong na lang ang boses nya. "How dare you! How dare you accuse me of such thing? Ako na nga itong walang ginawa kundi intindihin ka, sundin ka sa lahat ng gusto mo." Sobrang nasasaktan si Lhui sa sinabi ni Kaye. Naninikip ang dibdib nya. Napatayo sya at lumayo ng bahagya sa asawa. "Alam mo Kaye, hindi na ko makapaniwala sa mga nangyayari sa ten. Hirap na hirap na ko sa sitwasyon nating to. Hindi na ikaw ang Kaye na kilala ko...." Pinutol ni Kaye ang sasabihin ni Lhui at mataas ang boses nito. "Kaya ba naghahanap ka na ng iba? Hindi mo na ba ko kayang intindihin? Akala ko ba sabi mo dito ka lang sa tabi ko? Sabi mo masaya ka sa mga nangyayari sa ken? Pero bakit ganito? Napapagod ka na ba? Iiwan mo na naman ba ko?" Napatayo na rin si Kaye sa sobrang galit. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Kaye!! Andito lang ako. Iniintindi ko. Pinipilit ko kahit nasasaktan na ko dahil miss na miss na kita pero kahit gusto kitang makasama, hindi pwede dahil walang oras. Naghihintay ako dito sa bahay pero pag-uwi mo pagod ka na. Paggising ko, wala ka na, tapos ano? Maghihintay na lang uli ako? Pumayag akong mawalan ng career para lahat ng oras ko sa'yo lang pero anong kapalit? Ikaw ang walang oras para sa aken. Pag may free time ka mas pinipili mong mag-isa dahil sabi mo gusto mong ipahinga ang katawan at isip mo. Gusto mong mag-relax. Iniintindi ko, hinahayaan kita kase pinagkakasya ko na lang ang sarili ko na makita ka lang sapat na. Alam mo ba kung gano kasakit sa ken na pinapanood na nga lang kita as audience sa mga shows mo pero sinisita mo ko? Pilit kong sinisiksik sa utak ko na ayaw mo lang naman ako masaktan, na safety ko lang ang iniisip mo! Gustong gusto kong sumama sa mga lakad mo pero ano, nagmumukha lang akong tagasunod mo dahil hindi mo naman ako pwedeng ipakilala na asawa mo ko! Tinitiis ko yon dahil para yon sa career mo kahit na minsan hindi ko na maintindihan. Pilit kong iniintindi na hindi naman lahat ng kagaya mo nabibigyan ng lugar sa industry kaya kahit sobrang sakit na, kinikimkim ko na lang lahat dito. (sabay turo sa dibdib nya). Andami kong tinitiis para sa'yo pero ako pa rin ang aakusahan mo?" Iyak ng iyak si Lhui. Basang basa na ang mukha nya sa mga luhang hindi na nya magawang punasan. "Then ano yung nakita ko kanina! Wala lang! Nagkita lang kayo ng hindi sinasadya? Ilam beses ko na bang sinabi na layuan mo sya? Hindi ako komportable! Makipagkaibigan ka na sa kahit sino wag lang sa kanya o kahit kaninong may kaugnayan sa kanya! Ang simple non Lhui pero bakit di mo magawa!" Sumisigaw pa rin si Kaye. Feeling ni Lhui hindi sya pinakinggan ng asawa sa lahat ng sama ng loob nya dahil patuloy pa din ito sa pagkwestyon ng pagkikita nila ni Clar. Napapailing si Lhui habang nakatungo. "Ginagawa ko lahat, Kaye. GINAGAWA KO LAHAT!!!! SANA IKAW RIN!!!" sigaw ni Lhui at iniwan si Kaye. "HINDI PA TAYO TAPOS, LHUI!!!" habol ni Kaye pero naglock ito ng pinto ng kwarto nila. Kinatok ito ng kinatok ni Kaye habang tinatawag ang pangalan ni Lhui pero hindi sya pinapansin nito. Sinuntok nya ang pinto. Galit na galit sa sarili at sa mga pangyayari. Napaupo sya sa may pinto at sapo mg dalawang kamay ang kanyang ulo. Naluluha pero pinipigilan ang pagtulo nito. Nalilito, nasasaktan, nagagalit pero hindi alam kung kanino.



Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon