"Ate Ivy, si Ate Lhui po...." sumbong ni Allen kay Ivy sa phone.
"Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang sagot nito
"Iyak po sya ng iyak, hindi ko rin po alam kung bakit. Hindi po kami makaalis dito, hindi po ako marunong mag-drive." sagot ng yaya.
"Ha! Si.....sige. Text mo sa ken yung address kung nasan kayo, magtataxi na ko papunta dyan. Si Chloe?"
"Okay ang po sya. Hawak po sya ni Ate Lhui, nasa likod po sila ng sasakyan."
"Sige. Papunta na ko."
Wala pang isang oras, nakarating na si Ivy sa parking ng restaurant kung nasaan sina Lhui. Nakita pa nya mula sa malayo na pumasok ng sasakyan nya si Kaye at ang kasama nito kaya nagkaroon na sya ng idea kung bakit umiiyak si Lhui. Binuksan nya ang likod ng pinto ng kotse at inabot don si Lhui na hinahaplos ang buhok ni Chloe habang nakahiga ito sa lap nya. Nakatulog na ang bata sa paghihintay habang hindi naman makatingin si Lhui sa kanya. Napabuntong hininga na lang sya sa tahimik na si Lhui. Tumahan na ito pero halatang galing sa iyak.
Pagdating nila sa bahay ni Ivy, kinompronta nya ito.
"Lhui! Gusto mong pag-usapan?" tanong nito kay Lhui. Dahan dahang naglakad si Lhui palabas ng veranda at sinundan naman sya ni Ivy.
"Tinanggi nya na kilala nya ko. Nakabungguan ko sya sa loob ng resto............ nung tinanong sya nung kasama nya kung magkakilala kami, sabi nya hindi. Ang laki siguro ng galit sa ken ni Kaye para gawin nya yon. Ang sakit lang Ivy. Akala ko pag nagkita kami, magiging okay lang ulit ang lahat. O kung galit man sya, not to the point naman na itanggi nyang kilala nya ko." naiiyak na namang sabi ni Lhui. Nilapitan sya ni Ivy at niyakap.
"You must have caused Kaye too much pain nung umalis ka for the second time. Kahit sa ken hinahanap ka nya, kinukulit nya ko na sabihin sa kanya kung nasaan ka. Even Tin approached me dahil nga napapabayaan na ni Kaye yung trabaho nya. I cannot blame Kaye, but I can't blame you either. Kung talagang mahal mo pa sya, I guess you have to fight for it." sabi ni Ivy.
"Sa tingin mo, may laban pa ko?" lingon nya kay Ivy sabay pahid ng luha.
"Ikaw ang makakasagot nyan. Ano ba ang nakita mo sa mga mata nya? Ano ba ang nararamdaman mo? Kaya mo bang gawin ang lahat, to win her back?" nakangiting tanong ni Ivy na ini-encourage si Lhui sa kung ano man ang plano nito. Umiiyak man, napangiti si Lhui at napayakap dito.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!