Inabutan ni Kaye si Jeff sa bahay nito na nagmamadaling nag-aayos ng mga gamit.
"Kuya, anong ginagawa mo?" pagtataka ni Kaye.
"Naabutan mo ba si Lhui? Kamusta kayo?" sagot nito habang diretso pa rin sa ginagawa nya.
"Wala na sya. Hindi alam ni Amy kung saan nagpunta." walang ganang sagot nya. " Ano bang ginagawa mo?" tanong uli nito.
"Naiwan mo nga pala phone mo. Oh! Nakausap ko si Mama, nakailang missed calls sya sa yo. Si Papa, na- heart attack. Kailangan nya tayo ngayon." sabay abot ng phone ni Kaye at binalikan ang mga inaayos nyang gamit. Inabot lang ni Kaye ang phone nya pero parang wala syang narinig sa sinabi ng kuya nya tungkol sa Papa nila. Pumunta si Kaye sa kwarto nya at sinundan lang sya ng tingin ni Jeff na napapailing.
Nakatayo si Kaye sa may bintana habang nakamasid lang sa labas pero walang tinatanaw. Ito ang inabot ni Jeff ng buksan nya ang pinto ng kwarto.
"Hindi ka ba sasama sa ken pauwi?" tanong ni Jeff.
"Bakit parang concern na concern ka kay Papa? Hindi ba, pinabayaan ka na nya? Si Mama lang naman ang tumatagal sa kanya. Wala syang ibang alam kundi kunin ang lahat ng ikaliligaya nating mga anak nya. Wala syang ibang alam kundi gawing misirable ang buhay ng pamilya nya at ng ibang tao. Pag pumunta ba tayo don, maibabalik nya lahat ng nawala sa atin?" mahinahong sabi ni Kaye habang sa labas pa rin nakatanaw. Lumapit sa kanya si Jeff at pumwesto sa may likuran nya.
"Ganun din ba ang ginawa nya sa inyo ni Lhui? Kaya ba kayo, naghiwalay? Wala akong alam sa nangyari sa yo. Aaminin ko, sobra din akong nasaktan ni Papa, at madaming nadamay sa ginawa nya sa ken. Pero Papa pa rin natin sya. Kailangan nya tayo ngayon. Kailangan tayo ni Mama. Hindi mo ba naiisip, baka kaya nasa likod pa rin ni Papa si Mama, dahil may nakikita sya na hindi natin nakikita. He may not be as bad as we think he is....." pagkumbinsi ni Jeff sa kapatid pero hindi natitinag si Kaye. Hindi sya umaalis sa pwesto nya, hindi rin nya nililingon ang Kuya nya hanggang sa tuluyan na lang itong umalis.
***********************
"Lhui! What are you doing here? Ba't wala ka man lang pasabi?" gulat na salubong ni Ivy ng pagbuksan nya ang kumakatok sa condo unit nya. Diretso si Lhui sa loob at sinalampak ang sarili sa sofa. Mukha syang pagod..................... haggard. "Anong problema?" tanong uli ni Ivy habang sinundan lang si Lhui at tinabihan nya sa sofa. Hindi sumasagot si Lhui sa sobrang pagod. Napayakap na lang si Ivy sa kanya. Maya maya pa, napayakap na rin si Lhui at naramdaman ni Ivy ang mga luhang pumapatak sa balikat nya. Hinayaan nya lang si Lhui, at hinintay na magsalita.
"Hindi yata talaga kami pwede, kahit patago. Sinubukan ko. Pero may nasaktan pa rin. May nasaktan pa rin kami." umalis si Lhui sa pagkakayakap kay Ivy at pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Dadating pa ba ang pagkakataon para sa ming dalawa? Sya lang kase ang gusto ko. Sya lang ang laman nito." sabay patong ng kamay nya sa tapat ng kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Love is........
Hayran KurguAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!