Ang cute cute lang ni Kaye talaga dito, di ba? Sarap tabihan at yakapin!!!! Hihihihi! Wala lang, maisingit lang!!!!!
**************
The evil you do remains with you
The good you do, comes back to you
*************
KAYE's POV pa rin
"O Kaye! Anyare sa sasakyan mo pre." salubong sa akin ni Brandon. Nasa parking lot kami ng school at kakababa ko lang ng sasakyan. Halos magkasabay lang kaming dumating at nagpark dito kung saan lagi din kaming nakatambay pag may pasok.
"Hay nako..... gawa yan ng kutong lupa na katulong nina Ninong. Pinatulan ako eh!" sabay kamot ko sa ulo at inayos ang buhok ko. Napalingon naman ako kay Brandon na galing sa may likod ng sasakyan.
"May bago ka na namang biktima ha! Palaban ba?"
"Medyo."
"Maganda ba?" sabay patong ng kanyang braso sa balikat ko. Tiningnan ko lang sya ng masama.
"Malay ko! May katulong ba na maganda? Kutong lupa! Mukha syang kutong lupa!" inis na sagot ko sa kanya. Palibhasa requirement nya sa pagtanggap ng mga katulong sa kanila ay yung may pleasing personality. Dapat may itsura at hindi mukhang katulong. Kaya naman, iilan lang ang katulong nila.
Napapailling si Brandon sa sagot ko. Halata ba na bad mood agad ako dahil sa kutong lupa na yon? Wag ko lang talaga syang makikita na pakalat kalat sa daan, makakatikim sya sa akin. Hila ako ni Brandon papuntang school building para magenroll. Dahil sila ang may-ari ng school, diretso kami sa loob ng registrars office para hindi na pumila pa sa labas. Gawain na namin to taon taon, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit kating kati si Papa na pagenrolin ako eh ang dali dali naman at pwedeng gawin kahit sa mismong pasukan na. Sabagay, hindi naman nya alam na hindi na ako napila.
Paglabas namin ng office, halos mabingi ako sa tilian ng mga babaeng nag-aabang sa paglabas namin. OO. Sikat ako sa school na to! Gwapo eh! at magaling akong kumanta. Kaya nga lagi kong bitbit ang gitara sa likod ko. Eto lang kase ang way ko para mabawasan ang init ng ulo ko, stress, pagod, inis, galit, asar, yamot, lungkot, lahat na. Hindi din ako pahuhuli sa performance tuwing may program sa school. Sila mismo ang humihiling sa akin na maghanda ng isa hanggang dalawang kanta para iperform.
Sikat din naman si Brandon dahil bukod sa anak sya ng may-ari ng school na to, hmmm... gwapo din naman sya, pero mas gwapo ako. Team captain din sya ng basketball kaya madaming humahanga sa kanya. Pero hindi kagaya ko, magaling syang maglaro ng mga babae. Friendly naman ako pero kung hindi ko gusto, hindi ko ine-entertain ang pagpapakita nila ng motibo. Sinasabi ko agad kung hindi ko sila gusto. Rude na kung rude, basta hindi ko sila pinapaasa. Masaktan na sila kung masasaktan. Hindi ko naman kasalanan kung magkagusto sila sa akin. Hindi ko kasalanan kung gwapo ako! Hindi ko din kasalanan kung sila ang kusang lumalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfikceAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!