Part 39

545 27 29
                                    




Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng maganap ang pag-uusap nila Kaye at Lhui. Hindi na sumasama si Lhui sa activities ng team. Nagpalipas muna sya ng ilang meeting at events ng team dahil alam nyang kukulitin lang sya ni Aynmai, Hannah at Cheryl. Malamang pinag-uusapan na sya ng mga yon. Ginawa nyang pre-occupied ang sarili sa trabaho. Kinuha nya pati ang ilang projects na hindi naman dapat para sa kanya. Kahit si Ryan at Jeff nababahala na sa ginagawa ni Lhui, dahil ang totoo, hindi naman gusto ni Lhui ang magtrabaho sa kumpanya nila. 


"Ryan, sa tingin ko bad idea na dinala mo pa si Lhui dito. Tingnan mo naman ang kapatid mo. Umuuwi pa ba yan?" pansin ni Jeff kay Lhui na bising bisi sa harap ng laptop nya.


"Oo nga eh. Malay ko bang ganyan pala yan. Hindi ko nga alam kung ginagawa nya yan para asarin ako eh. Ano bang nangyari sa kanila ng kapatid mo?" tanong ni Ryan.


"Pare, I have no idea. Alam mo naman si Kaye, hindi naman yun nagkukwento sa ken." sagot ni Jeff. "Yayain ko lang kumain ha." sabay tayo nya at lumapit kay Lhui pero tumayo din ito at inaayos ang mga gamit nya. Mukhang may lakad ito.


"Lhui, may lakad ka? Yayayain sana kitang mag-lunch sa labas." salubong ni Jeff.


"Ahh! May lunch meeting ako with a client eh. Next time na lang." balewalang sagot ni Lhui at diretso lang ito sa paglalakad.


"Samahan kita?" habol ni Jeff.


"No! I can handle this." walang lingon lingong sagot ni Lhui at tuloy tuloy na lumabas ng office ng kuya nya.









Si Kaye, ginawang busy din ang sarili sa trabaho. Si Malou lang ang kasama nya lately dahil kailangang mag-out of the country ni Ruth dahil pinadala sya ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito sa China.


"Kaye, can you tell me exactly what's bothering you? Akala mo ba hindi ko napapansin yang ginagawa mo. Wala kang tinatanggihang projects. Maliit man o malaki, go ka lang ng go. Alam mo, wala naman sanang kaso eh, kaya lang, I know there's something wrong. Something is not right. So tell me, I know it's not because of Ruth dahil ilam beses na syang nag-out of the country and correct me if I'm wrong pero minsan, nararamdaman ko na mas gusto mong malayo sya kesa lagi syang nakabuntot sa yo................... Does Lhui has something to do with this?" Parang sigurado naman si Malou sa iniisip nya pero mas gusto pa rin nyang marinig mula kay Kaye. Si Kaye naman, hindi makasagot sa tanong ng manager nya. Nakatingin lang sya sa malayo.


"Okay fine. Kung ayaw mong pag-usapan, hindi kita pipilitin. Ikaw lang ang iniisip ko. Baka kase magkasakit ka na nyan sa ginagawa mo. Nagwo-worry lang ako. Hindi muna tayo tatanggap ng bagong projects. Tapusin na lang natin yung nakaschedule for the next three weeks, after that I will give you rest. Wag ka ng kumontra, my decision is final. Sige na, susunod na lang ako sa gig mo. Andun na yung banda mo, ingat ka." sabay alis ni Malou pagkasabi non. Hindi na nya hinayaan si Kaye na makaimik pa. 

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon