Part 38

516 27 20
                                    





Sumama si Lhui sa isang event at meron silang binabalak na after party para kay Kaye. Hindi man sya pinapansin ni Kaye di tulad ng karamihan ng TKC, tuloy lang sya sa pagsigaw at pagsabay sa mga kanta nya. Pilit din syang sumasali sa mga games na prinepare as part of the program pero sinasadya yata na hindi sya napipili. Ganun pa man, ang laki pa rin ng mga ngiti nya at panay ang sulyap kay Kaye.



Sabay sabay silang pumunta sa restaurant na pagdadausan ng after party. Mag-isa syang naghahanda ng giveaways sa isang sulok ng tabihan sya ni Ruth.


"You know what, of all people here, I can see na iba ang tingin mo kay Kaye." sabi ni Ruth habang kinuha ang isang token for giveaway na parang tinutulungan nya si Lhui sa ginagawa nito. 


"Girlfriend ka ba nya?" tanong ni Lhui.


"Yes! Kaya dapat alam mo ang lugar mo." matigas nitong sabi. Tuloy lang sila sa ginagawa habang nag-uusap para hindi mahalata ng ibang tao na may conflict na nangyayari sa pagitan nila.


"How sure are you na mahal ka nya?" balewalang tanong ni Lhui. Napatigil si Ruth sa ginagawa at hinarap si Lhui na tuloy pa rin sa pag-aayos ng mga token sa mesa. Hindi nya alam ang isasagot kay Lhui. "Baka kailangang alamin mo to save yourself from pain. Baka kailangang magkaibigan na lang kayo. Malay mo, tong mga sinasabi ko makatulong sa yo para hindi ka masaktan in the end. Pag-isipan mo." patuloy ni Lhui.


"Why are you doing this?" inis na tanong ni Ruth at naniningkit ang mga mata nya. Hinarap din sya ni Lhui.


"Cause I'm her ex. Ako ang mahal nya. Ako pa rin. Kita ko yon sa mga mata nya." seryosong sabi ni Lhui. Kita ang pagkagulat sa itsura ni Ruth.


"Tama ka, EX ka na nya. Ako na ngayon. KAMI na. YOU left HER. YOU already missed your chance." naiiyak na sabi ni Ruth sabay walk out. Paglingon ni Lhui para sundan ng tingin si Ruth, nakatingin na sa kanya si Aynmai at si Hannah, mga members ng TKC. Nagbaba ng tingin si Lhui at tinuloy lang ang ginagawa nya. Nilapitan sya ng dalawa.



"Tama ba ang narinig namin Lhui?" sabi ni Hannah. Hindi naman makasagot si Lhui pero isa isa ng pumapatak ang mga luha sa mata nya.


"Lhui, nababasa ang mga token. Baka magfade ang nakasulat sa papel oh!" mahinahong sabi ni Aynmai. Tahimik lang na pinunasan ni Lhui ang pisngi nya.


"Sinasabi ko na nga ba eh! May kakaiba sa biglaan mong pagdating sa team. Nasense ko na yon eh. Tama ba ko Aynmai?" si Hannah.


"Oo. Ako din. Magkwento ka naman. Inggitin mo kami dali!" si Aynmai.


"Pwede bang nagmomoment pa ko dito? Saka ko na lang ikukwento senyo!" inis na sabi ni Lhui.


"Eto naman! Syempre naiintindihan namin. Tumahan ka na, magsisimula na ang program. Dadating na ang EX mo mayamaya!" sabi ni Hannah sabay hawak sa balikat ni Lhui at hinaplos haplos ang likod nito.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon