LHUI's POV
NAIINIS AKO!!!!!!!!!!!!!!
NAKAKAINIS SYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!
BAKIT BA AKO NAIYAK!!!!!!!!!?
BAKIT HINDI KO MAPIGILAN ANG MATA KO SA PAG-IYAK!?
Bakit parang ang sakit sakit? Hindi nya masagot ang tanong ko ng diretso. May kumikirot eh! Parang bigla na lang akong nawalan ng gana. Parang ayaw ko ng bumangon. Bakit ganon?
"LHUI! Hinahanap ka ni Mommy!" tawag ni Ivy. Nagtanggal lang ako ng kumot na nakataklob sa ulo ko. Kanina pa naman ako gising pero wala akong ganang bumangon. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi sa sobrang inis na nararamdaman ko. Pag naaalala ko, bumabalik lang ang inis ko.
"Bakit daw?" walang gana kong tanong.
"Bakit ka ganyan? May sakit ka ba?" sabay hawak nya sa leeg ko pero wala naman akong sakit. "Anyways, kase, nagpapasama sa ken si Mama sa mall. May bibilhin kase sya. Kaya lang may lakad kami ni Stephanie kaya ikaw na lang ang sumama sa kanya." tuloy nya. Hindi ako nasagot sa sinabi nya.
"Ano bang problema mo Lhui?" tanong nya uli. "May problema ba kayo ni Kaye?"
"Bakit mo natanong?" wala pa rin akong gana.
"Eh si Kaye lang naman ang magiging dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Last time na nakita kitang ganyan nung nalaman mong lesbian sya. HUUUHHHHHHH! wag mong sabihing, babae na uli si Kaye?" para syang gulat na gulat. OA! Batukan ko kaya to ng isa! Mmmm... subukan ko kayang...........
"Ivy?! May alam ka ba sa dating girlfriend ni Kaye?" tinanong ko na sa kanya. Gusto ko lang saktan ang sarili ko sa katotohanang hindi ko makuha kay Kaye. Handa na ba ko?
"AHHHHHHHHHHHHHH! Kaya ka nagkakaganyaaaaaaan......"
"OO NA! MAGKWENTO NA KASE!" inis kong sabi sa kanya. Inis akong aminin ang totoo. Eager akong may malaman tungkol sa past ni Kaye.
"Si Tin...............hindi ko sya gusto dahil sya na yata ang pinakamaarteng tao na nakilala ko. Mayabang, suplada, maarte, suplada, mayabang....." Na trigger ko ang init ng ulo ni Ivy.
"PWEDE BA IVY? HINDI KO TINATANONG KUNG ANO SYA?" sabat ko para matigil na sya.
"Eh ano nga ang gusto mong malaman? Nakakainis ka na ha!" sinisigawan na nya ko. Buti na lang wala akong masyadong lakas pa para patulan tong cartoon character na to.
"Pano ba sila ni Kaye dati? Mahal pa rin kaya yon ni Kaye?"
Ang tagal akong tinitigan lang ni Ivy.
"Naaawa na ko sa yo ha?! Bakit ka ba sobrang affected pagdating kay Kaye? Alam kong mahal mo sya pero, talaga? Para magkaganyan ka sa past nya? Di ba ikaw na yung present? Ano pang ipinagmumukmuk mo dyan? Bakit gusto mong malaman kung anong meron sila ni Tin?"
Hindi rin ako nakasagot agad. EH ANG DAMI NYA KAYANG TANONG!!!!!!!
"Hindi ko rin alam.........gusto ko lang alamin."
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!