Part 33

543 27 12
                                    



Sorry na po kung hindi kasing dalas ng dati ang paga-update ko. Busy lang po dahil mas kailangang kumayod para sa ekonomiya!!!!! Nyahahaha. Syempre kailangan pa rin ng kahit konting inspirasyon at kasama kayo don.... (teary eyed) Nyahahha!




**************************************





Hindi magkaintindihan si Lhui pagkakita kay Jeff na nakatingin lang din sa kanilang dalawa ni Kaye. Nagkunwari na lang sya na may tama na rin ng alak.



"Jeff, tung kapatid mo.......... iniwan mo na. Tulungan mo naman ako.......... dalhin na natin sya sa kwarto nya." Nakanguso sya at pumikit dahil hindi nya matingnan si Jeff sa mata. Sana lang maniwala ito na lasing na rin sya. 


Nilapitan sya ni Jeff at hinawakan sa braso.


"Halika na. Hatid muna kita sa room mo. Mamaya na si Kaye." bulong ni Jeff. Medyo nahihio na rin sya dahil sa kalasingan pero kaya pa nya ang sarili nya. Nagdadalawang isip pa si Lhui kung sasama ba sya kay Jeff, mas gusto nya na asikasuhin muna si Kaye sana pero wala syang magawa. Tumayo sya pero hinawakan din ni Kaye ang kabila nyang braso. Napatingin pareho si Jeff at Lhui kay Kaye na unti-unting lumingon din sa kanila. 


"Kuya.................... si Lhui........ ako.........." tumingin si Kaye kay Lhui na parang nangungusap, bago lumipat ng tingin kay Jeff.  "Sige Kuya........ ikaw na. Ikaw na maghatid sa kanya." binitawan nya si Lhui at sinubsob uli ang mukha sa mga braso nya nakapatong sa mesa. Unti unti ng naglakad palayo ang dalawa at habang nakatalikod na sila, sinilip pa uli sila ni Kaye. Nasasaktan sya. Nasasaktan pa rin sya sa nakikita nya. Para na rin nyang hinayaan si Lhui sa kamay ng Kuya nya. Para na rin syang bumitaw sa pangarap nya.









*************


Nagising si Kaye na nasa kama na sya at hindi na nya namalayan kung pano sya napunta don. Pagmulat nya ng mata, ganda ng beach ang sumalubong sa kanya. Masakit pa ang ulo nya pero mas ramdam nya ang sakit ng puso nya. Alam na alam nya ang mga nangyari kagabi. Ramdam na ramdam pa nya ang pagkakayakap ni Lhui kagabi. Ganun pa rin ang pakiramdam, tulad ng dati. Alam nya, kahit papano, mahal pa rin sya ni Lhui. Napayakap si Kaye sa unan na hawak nya at napapikit sya sa pag-alala na naman ng nakaraan.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon