Lhui finds herself alone sa isang coffee shop. Naupo lang sya sa isang mesa. Medyo tulala. Hanggang sa may bumati sa kanya na hindi nya inaasahan."Lhui, my dear! Alone?" si Ally. Di tulad ng lagi nitong suot na corporate attire, nakasimpleng sleeveles blouse lang ito at miniskirt na tinernuhan ng sneakers. Sinamahan nya si Lhui sa table nito. "You look so lonely my dear. Is it Kaye?" tanong nya. Hindi naman makatingin si Lhui sa kanya. "C'mon. I know how it feels. Kahit di mo ikwento sa ken, I can sense na may kinalaman ang Papa nya kung bakit kayo nasa ganyang sitwasyon. Tama ba ko?"
"Matagal na yon, Ally. Napatawad ko na ang Papa nya." pilit na ngiting sagot ni Lhui.
"Talaga! Then why the sad face?" pilit nyang inaalam ang totoo. Sosyal na chismosa.
"Alam mo yung kayo pero hindi. Feeling mo kayo pag kayo lang dalawa. But reality sucks. Kaye already has a girlfriend. Unfortunately, it's not me. Tama sya, I lost my chance. I let her go. Kayaaahh, eto ako ngayon." napapailing na sabi ni Lhui.
"I can see that you guys still love each other. Bakit hindi na lang sya makipagbreak sa girlfriend nya? Halata namang she's into you!" sabi ni Ally.
"Hindi nya pwedeng basta basta iwanan si Ruth. Sya kase yung nandun nung, super down sya. Hindi sya iniwanan ni Ruth hanggang sa makabangon sya uli. Malaki ang utang na loob nya kay Ruth." paliwanag nya.
"So they're together because of utang na loob? Okay! Funny isn't it?" natatawang sabi ni Ally.
"Babalik lang ako sa gig nya. Baka kase hinahanap na ko ng mga kasama ko don. Iwan na kita. See you!" paalam ni Lhui.
"Lhui.............. I'm just here to listen if you want to.. you know!" si Ally.
"Yeah sure. Thanks!" sagot ni Lhui at naglakad na uli papunta sa bar kung saan nagaganap ang event ni Kaye. Pagbalik nya, naglalabasan na ang mga tao at nakasalubong nya sina Hannah, Aynmai at Cheryl kasama pa ng ilang team.
"Lhui, san ka galing? Hinahanap ka ni Kaye kanina." bulong ni Cheryl.
"Ahh, ano. Dun, lumanghap ng ibang hangin. Medyo sumakit kase ang ulo ko." sagot nya.
"Puntahan mo kaya si Kaye sa dressing room nya, andun pa sya pero nag-aayos na rin paalis. Maaabutan mo pa yon." si Hannah.
"Hindi na. Hindi naman ako kelangan don. Ano? Tara, hatid ko na kayo." pambabalewala ni Lhui. Tahimik na nakatingin lang ang tatlo kay Lhui. Alam nilang may ibang dinadamdam ito pero hindi na rin nila inusisa.
"Lhui, gusto mo munang kumain. Sagot ko." aya ni Cheryl. Tuwang tuwa naman ang dalawa ni AYnmai at Hannah, nakakaamoy sila ng libre.
"Kayo na lang. Maaga pa ko bukas eh." pagtanggi ni Lhui.
"Sure ka Lhui? Minsan lang manlibre tong si Cheryl, baka magbago pa ang isip nito..." hikayat ni Aynmai pero tumanggi talaga si Lhui. Nalungkot ang dalawa dahil alam nilang hindi matutuloy ang panlilibre ni Cheryl kung hindi sasama si Lhui. May pagbulong bulong pa sa likuran. Hinatid ni Lhui ang tatlo hanggang sa sakayan at umuwi na rin ito sa condo nya. Medyo napatagal sya sa byahe dahil sa paghatid sa tatlo. Paglabas nya ng elevator, malayo pa lang kita na nya si Kaye na nakaupo sa tabi ng pinto nya. Dahan dahan syang lumapit dito. Napatayo si Kaye ng mapansin nya si Lhui na papalapit.
"Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat, nagpapahinga ka na?" bati ni Lhui.
"Bakit nawala ka? San ka nagpunta?" seryosong tanong ni Kaye na parang nagtatampo. Hindi agad makasagot si Lhui na binubuksan na ang pinto ng unit nya.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!