Part 5

681 26 11
                                    

Andito ako ngayon sa sleeping quarters. Hindi para matulog kundi para mag update. Kase naman, avail uli kanina at may naisip na naman akong pang continue sa story na ito. Di ba? Hanggang dito sa office... sya pa rin!!!!! Sabayan pa ni Nova na nagkwento tungkol sa song ni Kaye na pinasa ko sa kanya. Napanaginipan daw nya si Kaye,  palibhasa song ni Kaye ang nagpeplay habang natutulog sya. Hay nako! Tampo na ako. Bakit dumalaw si Kaye sa panaginip nya? Sa akin naman! Kahit matulog ako forever! Nyahahha!

*************

LHUI's POV












Nagtaxi na lang ako pauwi, tapos naglakad papasok ng subdivision. Ang sarap lang maglakad mag-isa. Tahimik kase ditonsa loob ng subdivision, tapos maraming puno, konti lang ang sasakyang dumadaan, ang lapad ng kalsada, ang gaganda ng mga bahay. Di naman malayo ang bahay nina Tito Alex sa main gate kaya hindi mahirap lakarin. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanto papunta sa bahay ng bigla na lang akong businahan ng isang kotse. Grabeh ha! Bastos talaga nun! Teka..... pamilyar yung kotse na yun ah! Eh kotse yun ng unggoy eh! Ang sama talaga ng ugali nya. Habit na nya ang manggulat. Pati ako pinagtitripan. May araw ka rin sa aking unggoy ka! Pasalamat ka nahihiya ako kay Tito Alex, kung hindi, basag na naman yang likod ng kotse mo. Letse!


Papasok na sana ako ng gate ng may bumusina uli sa akin. Pumikit muna ako at huminga ng malalim bago ko sya nilingon.


"ANO BANG PROBLEMA MO!"

"IKAW!ANONG PROBLEMA MO? BAKIT KA NANINIGAW?"


Si Ivy pala. Kala ko kase yung unggoy na naman. Ano ba naman kase ang problema ng mga rich kids na to at kung makabusina parang sila ang may ari ng kalsada? Bigla naman akong napahiya.... lumapit ako sa may pinto ng kotse nya at nagsalita ng mahinahon.


"Pasensya na. Kala ko kase si....."


"Sino?"


"Wala. Bakit kase bigla ka na lang bumubusina?" inis kong sabi sa kanya.


"Bakit kase bigla ka na lang nawawala sa school? Bakit di kita matawagan?"


"Lobat ako okay? Bakit mo ba ko hinahanap?"


Don't worry guys, sanay na kami ni Ivy na ganito mag-usap. Parang laging magkaaway pero hindi. Sinasakyan ko lang naman yung level ng kamalditahan nya eh. Hindi yata ako papatalo sa kanya no?!


"Eh syempre! Para sumabay ka na sa ken. Wala ka kaseng car, remember? Tawagin mo si Amy, sabihin mo pabukas ng gate!" utos nya.


Tinalikuran ko na sya at pumasok sa loob sabay tawag kay Amy para sa utos ni Ivy. Diretso ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit, binuksan ang player at nakinig ng music. Nakahiga lang ako sa kama at feeling ko, ang haba ng araw na to sa akin.


Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.


"Lhui, punta ka sa kwarto ko ha, now na!" si Ivy lang pala. Hindi pa sya nakakabihis. Mukhang dito talaga sya dumiretso sa akin.


"Bakit?" matamlay kong sabi.


"Basta! Wag ka ng magtanong!" sabay labas din ng kwarto ko. Ano bang problema ng taong to? Pati ako aabalahin! Pinalipas ko lang ang ilang minuto at pumasok na rin ako sa kwarto nya.


"Ang tagal ha! Natrapik ka ba?" bungad nito sa aken, medyo naiinis. Lagi naman eh.


"Hindi! Nadelay lang ang flight! Ano ba kaseng kailangan mo?" kala nya hindi ko kayang patulan ang mga kalokahan nya. Nakita kong napangiti sya sa sinabi ko. Mukhang pareho kami ng ugali kaya nagkakasundo kami. 


Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon