Papunta na si Kaye at Malou sa mall para sa isang event. Kagagaling lang nila sa isang TV guesting."Malou, una ka na. Maaga pa naman, magpapahangin lang ako ng konti." paalam ni Kaye.
"Gusto mong samahan kita!" alok nito bago pa man nya mabuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.
"Di na. Susunod din ako agad." sabay bukas nya ng pinto ng kanyang kotse.
"May problema na naman ba kayo?" usisa ni Malou. Tinuon nya ang kanang siko sa hood ng sasakyan.
"Wag muna ngayon, please. Gusto kong mag-isip....... mag-isa." pambabalewala nito sabay sakay sa sasakyan nya. Hindi na nya hinintay na makapagsalita pa si Malou, pinaandar na nito ang sasakyan.
Tumigil si Kaye sa may baywalk habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Her arms crossed along with his two legs. Nakashades at naka-cap na black for disguise.
Hindi nya maintindihan kung bakit nga ba hanggang ngayon, may sama pa rin ng loob sya sa kanyang ama. Maganda ang takbo ng career nya at kasal na sila ni Lhui. Si Lhui. Isa pa yon sa mga iniisip nya. Masaya at maayos naman sila nung una pero bakit madalas ang tampuhan nila ngayon. Gusto lang naman nya makasama ang babaeng mahal nya. Maging masaya ito sa piling nya. Siguraduhin na lagi itong may ngiti sa labi. Pero hindi yon ang nangyayari.
Napatawad na ni Lhui ang Papa nya matagal na. Pero sya, hindi pa. Sinisisi pa rin nya ang ama sa lahat ng sakit na naranasan nya noon. Kahit pa anong sabihin at ipaliwanag sa kanya ng mga tao sa paligid nya, hindi nya kayang intindihin basta tungkol sa ama. Kaya kahit anong pilit din ni Lhui para makipagkita sa mga ito, hindi nya mapagbigyan. Nung unang beses kase na pumayag sya, muntik pa ring maging rason ng paghihiwalay na naman nila ni Lhui.
Si Lhui, umpisa pa lang wala mg ginawa kundi suportahan sya sa mga gusto nyang gawin. Ang gusto lang din naman nya maging masaya si Kaye. Wala namang ibang gusto si Kaye kundi ang magkasama sila at gawin ang hilig nya sa pagkanta. Ngunit itong pagkanta nya ngayon ang nagiging dahilan kung bakit hindi sila nagkakasama ni Lhui. Wala man si Lhui sa pag-abot nya ng kasikatan, sya naman ang naging dahilan ni Kaye kung bakit sya nagpursige para maabot kung saan man sya ngayon. Ginamit ni Kaye ang pagkanta para mahanap si Lhui. Ngayong nasa kanya na ito, parang napapabayaan naman nya. Napamahal na kay Kaye ang career nya kaya hindi nya matanggihan ang mga projects na binibigay sa kanya. Sabi nga ng manager nya, hindi habambuhay sikat ka at darating ang mga ganitong projects na tinatamasa nya ngayon. Pero hindi nya matanggap na unti-unti namang nawawala ang babaeng buong puso nyang ipinaglaban. Wala syang magawa ng sabihin ng manager nya na itago sa public ang tungkol sa kanilang dalawa. Maaari daw itong makasira ng career nya dahil maaring maging dahilan ito para mabawasan ang mga fans nya. Pag nawala ang fans, lalabo ang career, dahil isa ito sa mga pinagbabasehan ng mga producers to give their talents' projects. Kaya walang magawa si Kaye kundi umasa na lang na maiintindihan sya ni Lhui, pero........ hanggang kailan?! Sabayan pa na dominant, seloso at possessive si Kaye, hanggang kailan nga ba kayang panindigan ni Lhui ang relasyon nila.
Ang lalim ng hugot ng buntong hininga ni Kaye sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Pasakay na sana sya ng sasakyan ng makita nya si Lucy........... kasama ni Clar. Kaswal na nag-uusap ang dalawa pero halatang close sila. Umiral na naman ang paghihinala ni Kaye na may itinatago si Lhui sa kanya. Ayaw na ayaw pa naman nya ang kahit anong kaugnayan ni Clar kay Lhui.
Diretso si Kaye sa mall para sa show nila. Sinalubong sya ni Malou sa pagpasok nya sa tent sa likod ng stage.
"Kala ko di ka na darating. You still have 3 minutes to prepare, umupo ka na dun para ma-retouch ka." turo ni Malou sa isang upuan na katapat ng isang malaking salamin.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!