"Lhui!"Mabilis na hinabol ni Kaye si Lhui. Inabot nya ito sa may kusina.
"Lhui. I'm sorry. Hindi,....... hindi ko alam. Hindi ko yon sinasadya!" paliwanag ni Kaye.
"Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito? Magkakilala ba kayo? Bakit wala kang nababanggit sa ken?" sunod sunod na tanong ni Lhui na punong puno ng pagseselos. Parang binibiyak ang puso nya sa sakit na nararamdaman. She felt betrayed.
"Lhui, hindi ko naman alam na nandito pa sya. Hindi ko alam na inimbitahan sya ni Papa. Sabi ko naman sa'yo wag na tayong pumunta. Alam ko na namang walang gagawing maganda ang Papa ko." naghahalong inis at panunuyo ang ginagawa ni Kaye. Lalo lang syang nagalit sa ama at hindi nya alam kung paano ipapaliwanag kay Lhui ang tungkol kay Jean.
"Pwede ba Kaye, stop blaming other people! Ikaw ang may hindi sinasabi sa ken! Ikaw ang may tinatago sa ken! Bakit hindi mo sya nabanggit sa ken in the first place? Sya.......... sya ba yung bumisita sa yo sa shoot mo?" hingal na hingal si Lhui sa sobrang galit. Para syang galing sa pagtakbo ng malayo dahil pigil pigil ang sakit at galit na nararamdaman.
Hindi makasagot si Kaye. Hinawakan nya si Lhui sa magkabilang braso.
"Lhui, Jean was my bestfriend. Highschool pa yon. Matagal na silang wala dito sa Pilipinas. We haven't talked for a long time at galit ako sa kanya. Please don't let her ruin us, please." pagmamakaawa ni Kaye. Pinatong nya ang noo sa noo ni Lhui. Tahimik na sila. Hindi na nakaimik si Lhui. Lito pa rin sya at hindi alam kung ano ang gagawin. Yumakap sa kanya si Kaye. Nagdurugo man ang puso sa matinding selos, mas nangibabaw ang nararamdaman nyang pagmamahal sa mga yakap ni Kaye. SIncere. Wala na rin syang nagawa kundi yumakap dito. Palalampasin nya na lang. Tutal, mas naniniwala sya kay Kaye, above anything else.
Nagpaalam na si Kaye ng makabalik sila. Ang sama ng tingin nya sa ama. Sa halip na maayos ang gusot, lalo lang itong nalukot. Lalo lang nasira. Hindi akalain ni Kaye na magagawa ito ng ama sa kanila ni Lhui. Pakiramdam nya, sinisira pa rin nya ang relasyon nila.
"Ma, una na kami. Pagod na kami pareho kaya kailangan na naming magpahinga." paalam ni Kaye.
"O, sayang naman, kadarating lang ni Jean aalis na agad kayo?" sagot nito.
"Mas kailangan ni Lhui na magpahinga." inis na sabi ni Kaye sabay kinuha ang kamay ni Lhui at hinila na ito palabas.
Tahimik si Lhui. Parang sya pa ngayon ang nagi-guilty dahil sa inasal ni Kaye sa harap ng ina nito. Si Kaye naman, halatang wala na rin sa mood at tahimik lang na nagmamaneho. Hanggang sa makarating sila ng condo ni Lhui.
"Pwede bang dito na rin muna ako?" paglalambing ni Kaye.
Tahimik na tumango lang si Lhui. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman. Nagtatampo sya, nagiguilty, naiinis........... pero alam nyang kailangan din nyang pagaanin ang nararamdaman ni Kaye. Alam nyang wala na ito sa mood. Alam nyang halo halo na rin ang emosyong nararamdaman nito.
Lumabas si Lhui ng kwarto matapos makapagbihis at nadatnang tahimik lang na nakaupo si Kaye sa sofa habang nanonood ng movie. Kampante itong nakasandal habang nakapatong ang ulo sa isang kamay na nakarest sa handle ng sofa. Dahan dahan nya itong nilapitan mula sa likod. Tinabihan nya ito, kinuha ang isang braso at pinalibot ito sa kanyang likod papuntang balikat at sinandal ang ulo sa balikat nito. Tinaas nya ang kanyang mga paa at lalong siniksik ang sarili sa katawan ni Kaye.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!