Part 32

517 22 11
                                    





Tinapik lang ni Lhui ang kamay ni Jeff at ngumisi lang si Jeff sa ginawa nya sabay iling. Hindi pa rin nya talaga makuha ang loob ni Lhui. Naisip nya na siguro nga masyadong malalim ang pinagdaanan ni Lhui para makuha agad ang tiwala nya.


"Coffee tayo." alok nya habang nagmamaneho pa rin pauwi. Nakita naman nyang tumango ito habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Napangiti sya dahil kahit papano, tinuturing pa rin sya nitong isang kaibigan. lalo na ngayong umalis na si Ivy, sya na lang ang tanging makakasama ulit nito.


"Nasabi sa akin ni Ivy na ikaw daw ang tunay na anak ni Tito Alex, pano nangyari yon?" tanong nya kay Lhui.


"Mahabang kwento." matipid nyang sagot. Napailing lang uli si Jeff sa sagot nito.


"Ang tamad nyo pareho ni Ivy magkwento no? Kanino kaya kayo nagmana?" pang-aasar nito.


"Hindi kami magkapatid!"


"Alam ko. Hm! Wala talaga akong magawa sa kasupladahan mo. Halika na, dito na tayo." inis na sabi ni Jeff.


"Hindi naman tayo dito madalas magkape ah!" reklamo ni Lhui.


"Masarap din ang kape dito. Trust me. Malay mo, makalimutan mo sya pag natikman mo ang kape na inaalok ko." sabi ni Jeff pero hindi nya tinitingnan si Lhui. Tinanggal nya ang seatbelt nya at nauna nang lumabas ng kotse. Wala namang nagawa si Lhui kundi sumunod dito.


Umorder si Jeff ng vanilla bean frappucino with chocolate para kay Lhui at captain crunch frappe para sa kanya. Pabagsak nyang ibinaba sa mesa ang kape ni Lhui at binigyansya nito ng masamang tingin.


"Galit ka ba." tanong ni Lhui.


"HINDI! Inumin mo na yan." supladong sagot nito. Nakaupo sila sa labas ng shop at nakataas pa ang hita nito sa arm rest ng upuan nya. Nakatingin lang sya sa malayo habang nakatingin pa rin sa kanya ng masama si Lhui.


"Problema mo?!" tanong uli ni Lhui.


"Wala! Wag mo na kong intindihin............. Sama ka uli sa ken mamaya sa bar ha. May gig kame."


"Sapilitan?"


"Eh di wag kung ayaw mo!" balewala nitong sabi. Nag-iisip si Lhui. Hindi nya maintindihan kung bakit ganito ang asal ni Jeff sa kanya ngayon.


"Sunduin mo na lang ako sa bahay." nakasimangot nitong sagot pero hindi pa rin nakatingin sa kanya si Jeff na palihim na ngumingiti habang iniinom ang kape nya.









Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon