Part 31

506 23 9
                                    










Ilang araw na namang nagkulong si Lhui sa kwarto nya matapos ng pagkikita nila ni Kaye. Alalang alala na naman si Amy sa alaga nya. Nung una nilang punta dito, buwan ang lumipas bago nya nakitang sumigla ng kaunti si Lhui. May ideya sya sa kung anong nangyari pero hindi nya talaga alam ang pinagdadaanan nito. Lumalabas lang ito para kumuha ng maiinom at ng kaunting makakain sa kusina pero hindi ito kumakain ng maayos. Hindi naman sya nito iniimikan kapag tinatanong nya. Sanay na si Amy sa ganitong ugali ni Lhui dahil halos ganito din ang Mommy nito. Ang ikinakatakot lang nya, ang matulad din ito sa sakit ng Mommy nya.


Si Kaye naman, tumigil ng ilang araw sa Kuya nya para pagbigyan ito, pero hindi sya nakakuha ng chance na mapag-usapan nila si Lhui. Medyo umiiwas din si Jeff kapag si Lhui na ang usapan  dahil ilang araw na itong hindi din nagpapakita sa kanya. Silang tatlo, pareparehong nasasaktan sa kani kanilang nararamdaman sa bawat isa.







*********

"Ivy............. pwede bang dyan muna ako ngayon sa yo." si Lhui habang kausap si Ivy sa cellphone.


"Mukhang may problema ah. Sa tono pa lang ng pananalita mo, obvious na. Of course welcome ka dito. Miss na rin kaya kita. Kelan ba ang dating mo dito?" si Ivy sa kabilang linya.


"Bukas siguro........... salamat." matamlay na sabi ni Lhui.


"O sige. Dito natin pagkwentuhan yan. Bye!" paalam ni Ivy at sabay nilang pinutol ang tawag.











Bitbit ni Lhui ang ilang bagahe papasok ng maliit na airport ng Cagayan de Oro. Dito sya nakapagbook ng flight dahil ito ang pinakamalapit sa Bukidnon. Sa di kalayuan ay may nakakita kay Lhui............................ si Tin. Ngayon din ang alis ni Kaye pabalik ng Manila at sinundo lang ito ni Tin. Pinagmamasdan lang siya ni Tin habang walang kamalay malay si Lhui. Maya maya pa, dumating si Kaye at saktong tinatawag na ang flight nila. Pagtayo ni Lhui, nakita nya ang paparating na si Kaye at sinalubong ito ni Tin. Kinabahan sya dahil mukhang magkakasabay pa sila ng flight, pero mas lalo nyang ikinagulat ang mga sumunod na nangyari. Dahil medyo nakatalikod si Kaye sa kanya, nakita nyang sinalubong ito ni Tin ng halik





.





.





.





.





sa lips.

Biglang tumigil ang mundo ni Lhui at parang nilindol sya. Ngayon nya naramdaman ang matinding sakit. Parang biglang bumagsak ang puso nya at nabasag sa sobrang sakit. Alam nya hindi nya na dapat ito maramdaman dahil ito ang gusto nyang mangyari pero, hindi nya maiwasan ang masaktan ng sobra. Napatakip ang kamay nya sa bibig nya sa pagkagulat at napatalikod ito. Hindi nya na nakita ang nakangising tingin ni Tin sa kanya.








"Bakit mo ginawa yon?" galit na sabi ni Kaye matapos itulak si Tin palayo sa kanya.


"Namiss kita, yun lang. Let's go." tuwang tuwang sabi ni Tin sabay hawak sa braso ni Kaye. Wala ng nagawas si Kaye dahil wala syang gana. Pakiramdam nya, naiwan ang puso nya sa Bukidnon. Habang si Lhui naman, pakiramdam nya nagsinungaling sa kanya si Kaye. Iniisip nya na hindi yun hahayaan na mangyari ni Kaye kung wala naman silang relasyon. Iniisip nya na hindi sya para kaunin ni Tin kung hindi ginusto ni  Kaye.





Mas mabuti na nga siguro ang ganon. Yun din naman ang dapat mangyari matapos ng ginawa ko sa kanya. Sana lang masaya na sya.





Hindi na tumuloy si Lhui sa byahe nya. Pag-uwi nya ng bahay, tinawagan nya uli si Ivy.





"Vi............. hindi na ko tutuloy." sabi ni Lhui habang nakamasid lang sa labas sa may veranda. Pagod na pagod ang pakiramdam nya sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw.


Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon