From here mga friends and readers, it's going to be AUTHOR's POV na. Kung malilito kayo ng konti sa takbo ng kwento, bahala kayo!!! Nyahahha!
This is for @mysweetaliyah42 para di ka na mainip!!! Nyahahaha!
***************
Naglalakad si Lhui sa sidewalk habang iniinom ang frappe na binili nya sa isang coffee shop. Nakasuot sya ng jumper na pants at sleeveless na blouse sa loob with matching low cut converse na white at black na cap. Ang ganda nyang tingnan habang nililipad lipad ng hangin ang buhok nya habang naglalakad lang.
Nakakita sya ng isang convenient store. Inisip nyang pumasok dito para maghanap ng kung anong pwedeng bilhin. Pagtulak nya ng pinto, nabunggo sya ng lalaking palabas naman galing dito at halatang nagmamadali. Natapon ang kape sa damit nilang pareho. Inis na inis na tiningnan ni Lhui ang lalake. Medyo nagulat pa sya dahil may naaalala sya sa itsura ng lalaking ito.
"ANO BA NAMAN KASE!!!! HINDI NAMAN KASE TUMITINGIN EH!!" sigaw ni Lhui sa kaharap na lalake.
"Ako talaga!!! Eh Ikaw tong basta na lang tinutulak ang pinto hindi ka man lang tumitingin kung may lalabas!" patol ng lalake sa kanya. Gwapo na sana pero suplado ang dating ng lalaki. Matangkad din sya at maganda ang built ng katawan. Halos magmarka ang abs nito dahil nabasa ng kape ang suot nitong puting plain tshirt. Hindi naman maiwasan ni Lhui ang mapatingin dito. Napalunok pa sya bago uli nakapagsalita.
"Well, natapon na ang coffee ko. Pakitapon na lang.... sorry but not sorry!" sabay abot nito ng hawak nyang frappe sa bandang tyan ng lalaki. Pumasok na si Lhui diretso sa loob ng convenient store. Wala namang nagawa ang lalaki kundi abutin ang kape at tingnan si Lhui habang pumapasok sa loob.
Diretso si Lhui sa CR at pinunasan ang damit nya na nabasa ng kape.
"Bwisit! Bwisit talaga! Naku, wag ko lang sya makikita uli, masasaktan talaga sya sa ken." sabi niya habang walang tigil sa kapupunas ng damit nya. Huminga sya ng malalim at humarap sa salamin, sabay ngiti. Pilit tinatanggal ang inis na nararamdaman nya.
"Okay Lhui! Move on. Dyan ka naman magaling di ba?" sabi nya sa harap ng salamin habang kausap ang sarili nya. Sabay taas bahagya ng dalawa nyang kamay na naka-okay sign. Inayos nya ang buhok at cap nya sabay labas ng CR.
Nag- ikot ikot sya sa loob ng store at napunta sa magazine stand. Pagkakuha nya ng isa, natigilan lang sya. Bumilis bigla ang tibok ng puso nya ng makita kung sino ang cover ng magazine. Ganun pa rin ang nararamdaman nya, ang kaibahan lang, puno na sya ng panghihinayang. Lagi na lang nyang sinasabi sa sarili nya na kung hindi nya ginawa yung naging desisyon nya, baka hindi na nya nakikita ito kahit sa magazine lang. Yun lang ang iniisip nya para kahit papano, hindi sya maguilty sa ginawa nyang pag-iwan dito.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!