Part 40

544 28 18
                                    













Pagmulat ni Kaye, nanlalabo pa ang paningin nya. Pilit nyang pinagmamasdan ang babaeng nakaupo sa kama nya. Nakatalikod ito sa kanya kaya naninigurado pa sya.





"Lhui...." mahinang sabi ni Kaye. Lumingon naman si Ruth at ng makitang gising na si Kaye, dali dali itong lumipat sa tabi nya.





"Kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito. Panay ang haplos nya kay Kaye.





"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Kaye habang nagpupunas ng mata. Ineexpect na nya na umalis na si Lhui dahil andito na si Ruth.





"Anong klaseng tanong yan? Kung iba ang inaasahan mong makikita mo, sorry, umalis na sya. Dun naman sya magaling di ba? Ang iwan ka!" inis na sabi ni Ruth sabay tayo para kuhanin ang gamot ni Kaye. Iniabot nya ito dito.


"Di mo man lang ba ko pakakainin muna bago painumin ng gamot?" naiinis na sabi ni Kaye. Napabuntong hininga si Ruth. Binaba nya uli ang gamot at lumabas ng kwarto ng walang sinasabi. Pagbalik nya, May dala syang slices ng apple.


"Eto lang nakita ko sa kitchen mo eh. Alam mo namang di ako marunong magluto." nagtatampo nitong sabi.


"Sabi ni Lhui, may natira pang soup. Yun na lang please. Gusto kong mainitan." sabi ni Kaye. Masama man ang loob, sumunod na lang si Ruth at ipinaghain sya ng mainit na soup.





"Bakit naman of all people si Lhui pa talaga ang nagbantay sa yo? Madami ka namang kaibigan." naiinis na sabi ni Ruth habang sinusubuan si Kaye.


"Galing ako kay Kuya nung makita ako ni Lhui kaya, sya na rin ang nagdala sa ken dito. Wala naman kaming ginagawang masama kaya, wag ka namang mag-isip ng kung anu-ano." naiinis ding sabi ni Kaye.


"I know. May tiwala naman ako sa'yo eh. Pero sa kanya, wala. Anyways, after two months baka bumalik uli ako sa China, kaya habang nandito ako, ako ang magbabantay sa yo, walang iba. I love you." biglang huminahon si Ruth at naglambing kay Kaye. Huminga lang ng  malalim si Kaye at di nagsalita. Niyakap sya ni Ruth pero parang balewala ito kay Kaye. Iba ang tumatakbo sa isip nya........................... si Lhui.


























"Mukhang ngayon lang na late ang ever punctual na si Lhui ah?! Anyare?" tanong ni Ryan.


"Nagkasakit si Kaye, binantayan ko lang." sagot nya habang busy pa rin sa harap ng laptop nya.





"Wow! Bago yon ah. Bati na kayo?" naupo si Ryan sa tapat ng mesa ni Lhui, naghihintay sa kwento ng kapatid.


"Hindi. Hindi ko alam. Wala lang syang choice kahapon kase ako lang ang nandon. Dumating naman ang girlfriend nya kaya, yun." nagkukunwari sya na balewala lang ito sa kanya. Ayaw nyang magpahalata sa kapatid nya na apektado sya. Tinititigan naman sya ni Ryan, parang may hinihintay itong emosyon o reaksyon sa mukha ni Lhui. Ramdam ni Lhui na hindi maalis ang tingin ng kapatid nya sa kanya kaya napatingin na rin sya dito.


"What?!" kunwari'y tanong nya kahit alam naman nyang naghihintay ang kuya nya sa kanya.


"Wala. Sige. Hindi ka affected. Nga pala, malapit ng mafinalize ang mga docs para sa formal merging ng company. Naghahanap na si Jeff ng event organizer. Just give him your list of guests for the invitation." pag iiba ni Ryan.


"Actually, I already have the list." kinuha ni Lhui ang isang papel sa drawer ng table nya at binigay ito sa kapatid na isa isa namang tiningnan ang mga pangalan sa listahan.





Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon