Part 35

506 27 6
                                    



Para kay @sevillatin23,hindi sya kase sigurado kung putol yung last update. Hahaha!


Gustuhin ko man na kasing dalas ng UD ko noon, pasensya na talaga. Miss ko na rin si Kaye Cal...Huhuhu.. may pinagdadaanan ako ngayon..... di ko na lang masyadong ishe-share, sorry guys! Thanks pa rin sa reads and votes nyo. Nakakapuslit ako ng kahit konting time sa rest day ko for UD dahil sa inyo!!!!!!



Love you guys!!!!



*************************************



Walang ganang nag-aayos ng gamit si Lhui for her flight later this evening. Lambot na lambot syadahil nagtatalo pa rin ang puso at isip nya kung tutuloy ba sya sa States. Nag promise na sya sa Papa nya at expected na ang pagdating nya pero, malakas din ang kagustuhan nya na tumigil at harapin muna si Kaye. Ayaw nya sanang umalis not knowing kung galit ba sa kanya si Kaye sa pangalawang beses na pag-iwan na naman dito. Kung pupuntahan nya naman si Kaye, baka hindi na nya mapigilan ang sarili na sumama dito at ipaglaban ang nararamdaman nya pero, paano naman ang mga magulang nya? Makakaya ba nya na tuluyang bumagsak ang kumpanyang minana pa ng Papa nya sa magulang nito ng dahil lang sa kanya? Ng dahil lang nagmahal sya?




"Lhui!!!" 


Nagulat si Lhui sa sumigaw ng pangalan nya sa loob ng airport. Nakita na naman nyang umalis si Ivy na naghatid sa kanya. Palingon lingon sya at pilit hinahanap ang tumawag sa kanya. Hanggang sa napansin nya ang isang papalapit na babae na mukhang kanina pa syang hinahabol.


"Tin?.........A......anong ginagawa mo dito? Ikaw ba yung tumawag sa ken?" tanong ni Lhui na medyo nagtataka. Hindi nya inaasahan na si Tin of all people ang huling makikita nya dito sa Pinas.


"Ayaw ko man pero, oo. Do you still have time?" medyo hingal na sabi nito.


"O..o sige. Dun tayo." aya ni Lhui kay Tin at pumunta sila sa waiting area. Nakasunod lang si Tin kay Lhui at magkatabi silang naupo.


"Ano bang meron?" simula ni Lhui.


"Ang totoo, ilang linggo na kitang sinusundan. Gusto ni Malou na kausapin kita para kay Kaye. Nawawalan na kase ng gana si Kaye sa trabaho, feeling nya ikaw lang ang sagot para umayos sya uli. Ewan ko ba! Ano ba kaseng ginawa mo dun sa tao? Ano bang meron ka at hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo............. kung ano man yon. Well, I'm here to stop you. Dapat matagal ko na tong ginawa. Kaibigan ko si Kaye. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang magpapasaya sa kanya. Even if it means, hindi ako part non. Ngayon ko lang to gagawin kaya makinig ka Lhui. Nagawa man ni Kaye na makilala sa industry, that is all because of you. Kaye wants to find you. Kaya ngayong nakita ka na nya, pwede ba, ipaglaban mo naman sya. Dun ka naman magaling di ba? Anong nangyari?" galit na sabi ni Tin.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon