Part 19

507 26 32
                                    



Para uli kay @cristyoviedo at @xhiijhane na mga bago kong FB friends at kachika! Hahaha! Para din sa aking friend na halfway across the world ngayon ay happing happy na si beverly1610!!!!! Hamishu! Thanks pa rin sa pagbabasa ng mga gawa ko. Feeling ko tuloy pag nabo-bore ka ako pa rin ang nagkukwento sa yo!!!! Hahaha! walang tigil talaga ang kaingayan ko di ba? Naririnig mo ba? Nyahaha!





********************





Maaga akong gumising para puntahan si Kaye sa apartment nya. Nagpaalam ako kay Tita at pinayagan naman ako nito. Pagbaba ko pa lang ng jeep, medyo kinakabahan na ko. Sana lang wag syang magalit sa ken kung gagawin ko man to. Gusto ko lang talaga, matulungan sya.


Pagpasok ko ng eskinita, may mga batang tumatakbo ng nakapaa na muntik pa akong mabunggo kung di ko lang iniwasan. Ang dudungis nila. May mga lalaking nakahubad baro at agang agang nag-aalmusal ng alak. May mga babeng naglalaba sa tabi, kaya naman pala laging basa ang sementong daan. May mga asong gala, may mga basta na lang na dumadaan na malalaking daga. Ang mata ng mga taong napapatingin sa akin dahil, hindi naman ako kilala. Hindi ito nalalayo sa tinirhan ko dati, kaya balewala talaga sa akin lahat ng nakikita ko ngayon. Pero si Kaye! Environment pa lang, isa ng malaking adjustment sa kanya.



Nagdadalawang isip pa ko sa pagkatok sa pinto nya. Hingang malalim Lhui! Katok na!


"SANDALEEE!" sigaw nya. Mukhang nasa likuran sya. Pagbukas nya ng pinto, nanlaki ang mga mata nya. Kumunot ang noo nya at nagsalubong ang kilay nya. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, magagalit sya. Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob.


"Anong ginagawa mo dito?!" medyo naiinis nyang sabi. Napansin ko ang basa nyang kamay na may bula bula pa. Naglalaba siguro sya.


"Ayaw mo ba na nandito ako?" tanong ko. Pinapatulan ko yung inis nya para alam nya na wala na syang magagawa.


"Pano mo nalaman to?" nakapamewang na sya. Hindi nya talaga gusto ang pagpunta ko dito. Pano ko ba pabababain ang init ng ulo nya.


"Sinundan kita kahapon..................... namimiss ko na kase yung nagkikita tayo tuwing gabi, nakatambay lang sa tapat ng bahay nyo o bahay namin, nagkukwentuhan, tumatawa ..................... sinanay mo kase ako na lagi kitang napupuntahan kung kelan ko gusto." nakatungo lang ako. Paawa effect na may konting lambing at hindi ko sya tinitingnan.



Lumalapit na sya sa ken. YES! Effective! Pwede na................ tinaas nya ang mukha ko ng kamay nya na hawak ang baba ko. Hindi na kunot ang noo nya at hindi na rin salubong ang kilay nya pero hindi pa rin sya ngumingiti, poker face lang. Nakanguso ako, para mas effective. Konti na lang Lhui, bibigay din yan. Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon