Tapos na tayo sa flashback ha! Balik na uli sa katotohanan.Salamat sa patuloy nyong pagbabasa at pagvo-vote.
Love you guys!!!!
PS: Kung sino man ang makakapunta sa gig ni Kaye, pakikiss at hug na lang ako. Smack lang ha! Wag sugapa!!! Nyahahha!!!!
************************
Hindi sinasadyang nagkita si Lhui at Ruth sa isang bakeshop. Nilapitan ni Ruth si Lhui habang tumitingin ng mga slices ng cake sa isang istante.
"Lhui. Mahilig ka rin pala sa sweets." bati ni Ruth na may pagkasarcastic
"Ruth. Why are you wasting time talking to me? Pareho naman nating alam na hindi natin gusto ang isa't isa." sagot ni Lhui habang busy pa rin sa kakatingin sa istante. Aminin man nya o hindi, nawala na ang atensyon nya sa paghahanap ng gusto nya sanang bilhin.
"Hindi ko rin nga alam. Probably, I'm still hoping na makikinig ka sa ken. Okay kami ni Kaye pero ginugulo mo na uli sya. Hindi madali ang pinagdaanan ko para tulungan syang makalimutan ka. Lalong hindi madali ang pinagdaanan nya para makabangon uli. Makabangon sa buhay, sa career................. pinulot ko sya ng basta mo na lang sya iniwan. At hindi ko sya iniwan. Ako lang ang nandon nung pakiramdam nya tinalikuran na sya ng lahat. Pinangako nya na hindi ka na nya hahayaan sa buhay nya. Pero ang kulit mo Lhui. Pinagpipilitan mo lang ang sarili mo sa kanya." kinuha ni Ruth ang lumang cellphone sa bag nya at tila may binubuksan. Pinakita nya kay Lhui ang isang video. Video nung sumisigaw sa Kaye nung nagcamping sila.
Natigilan si Lhui. Ilang taon na ang nakalipas simula ng kuhanan ni Ruth ang video na yon pero, hindi akalain ni Lhui na ganon kamalma ang epekto kay Kaye. Kilala nya na matapang ito at matatag. Hindi sya makapaniwala dahil sa itsura ni Kaye sa video na halos hindi nya makilala. Ang payat payat nito at halatang napabayaan ang sarili. Hindi nya maiwasan ang sa muli, maguilty. Tulala si Lhui at parang nakatingin pa rin sa video kahit pa naitago na ito ni Ruth sa bag nya.
"See the difference between now and then? Sabihin mo, dahil ba nagawa KO na ibalik si Kaye at tulungang makabangon, basta basta mo na lang syang kukuhanin sa ken? I know, sa kwento pa lang ni Kaye tungkol sa'yo, hindi ka ganong kasama. You always consider the others in making decisions. Nakikiusap ako Lhui, iconsider mo naman ako. Lahat ng sakripisyo at hirap ko kay Kaye." naiiyak na sabi ni Ruth.
Walang nagawa si Lhui. Wala na syang nasabi hanggang sa nakaalis si Ruth. Bumabalik balik sa isip nya ang nakita sa video. Lalo na yung part na nakita nitong nangako si Kaye na hindi na sya hahayaang makabalik pa sya sa buhay nito. Kita nya ang sakit na pinagdaanan ni Kaye sa isang video na yon.
Tama si Ruth. Wala nga akong karapatang kuhanin si Kaye sa kanya. Ang dami nyang sinakripisyo para kay Kaye, ng dahil sa ken. Ako dapat ang nasa tabi ni Kaye nung mga panahong yon. Pero ako pa ang naging dahilan kaya nya yon pinagdaanan. I don't deserve Kaye. I don't deserve her............................
Umiiyak si Lhui mag-isa sa kwarto nya. Mas pinili nyang mag-isa. Nakita nyang biglang umilaw ang cellphone nya bago ito nag-ring. Tumatawag si Kaye pero pinili nya na hindi na lang sagutin. Umiwas na si Lhui simula noon.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!