Part 4

777 31 11
                                    

Alam nyo ba na si Kaye ang gumigising sa akin tuwing umaga? Ohhhh! Wag ng maiinggiiiiiiit! I-set nyo kase ang alarm tone nyo sa favorite nyong kanta nya. Ako? Runaway..... yan ang alarm tone ko. Sarap gumising sa umaga pag boses nya ang una kong naririnig. Nangyari na nga rin na mga kanta nya ang  nagpapatulog sa akin eh! (pabulong) Medyo nadag-anan ko lang naman ang cellphone ko ng maraming beses na. Kulit eh no!

*************

LHUI's POV
















First day of school. 

Ano pa bang maasahan mo sa school ng mga mayayaman? Eh di payabangan. Haay! Ano pa bang tinatayo tayo ko dito sa harap ng school department namin? Makaakyat na nga.


"Ouch! Watch it!" sabi ng maarteng babae na puro kolorete ang mukha na hindi naman kagandahan. Foundation day ba teh! Sabagay, mukhang madami syang pambili ng foundation at inilagay nya na yata lahat sa mukha nya. Nabangga sya ng isang nerdy. Mahaba ang buhok na may suot na makapal na eye glasses. Ang kapal ng kilay. Sing kapal ng labi nya. Pero, mukha ring mayamanin at in fairness, mas may itsura sya kaysa sa maarteng babae na yon. Natumba si nerdy sa banggaan nila. Mukhang aligaga sya. Tapon sa sahig ang laman ng bag nya. Pinagtatawanan na sya ng mga estudyante na nasa hallway.


"Eto pa oh!" iniabot ko sa kanya ang isang pink na ballpen na may feather like ball sa dulo nito. Kung di lang ako mabait, hindi ko to lilimutin eh. Pag-abot nya ng ballpen sa akin, tinalikuran ko na rin ito at naglakad na palayo.


"Salamat!!" sigaw nya sa akin pero di ko na sya nilingon.


















Okay naman sa klase ko. Tahimik lang ako bilang first day of school. Nag-oobserve lang ako ng mga classmate ko. May maarte, may nerdy, may emo, may makulit, mayabang, maingay at meron ding katulad ko na tahimik lang. Halatang magkakakilala na sila dahil may kanya kanyang grupo ang karamihan. May mga lumalapit naman sa ken, confirming na transferee ako sa school, pero isang tanong, isang sagot lang ako sa kanila. Ayaw kong masyadong makipag close kung kani-kanino agad agad. 






Di ko feel kumain ngayong break, at bilang nasabihan na kami na wala ang prof namin for the next subject, nag-decide akong magikot ikot muna sa campus para naman maging familiar ako dito.


"HI!" 


Ako ba ang binabati non? Mula sa likod ko kase ang boses. Medyo napatigil naman ako sa pagbaba ng hagdan. Saglit lang pero tinuloy ko din.


"Ako nga pala si Jhoey! Lhui, right?"


Dun na ko napalingon sa kanya. Confirmed na ako nga ang binabati ng boses na yon. Si nerdy pala. Nginitian ko lang sya at nagpatuloy na rin sa pagbaba. Ginawa ko lang ang gusto kong paglibot sa campus hanggang sa may nakita akong malaking puno sa likod. Wala masyadong tao sa part na to ng campus. Umupo ako sa ilalim ng puno. Kinuha ang cellphone ko at nilagay ang earphones sa tenga. Chill lang. Sarap buhay. May pagpikit pa ako habang nakikinig lang sa mga playlist ko.


Parang may kakaiba akong nararamdaman......


Parang hindi ako mag-isa.....................


Parang may nakatingin sa ken.............


Actually kanina ko pa nararamdamang may sumusunod sa akin eh, di ko lang pinapansin.


Ang lamig pa naman ng hangin dito.................


Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.......




Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon