Part 23

539 27 22
                                    






LHUI's POV



Sinamahan ko sya sa bar kung saan sya nagtatrabaho. Ilang performance na rin kase nya ang napalampas ko. Bigla kaseng naging mahigpit si Tito Alex sa paglabas labas ko simula ng magparamdam uli si Tsong Mario. Pero dahil si Tita Agnes lang ang nasa bahay, malaya akong nakasama kay Kaye ngayon.


Ang sarap nyang panoorin sa taas ng stage. Ang daming tao ang nagagandahan sa boses nya at may mga request songs pa galing sa audience na ginagawan nya ng sarili nyang rendition. Nakakaproud lang. Proud girlfriend here!!!!!


Biglang may tumabi sa ken.


"Ngayon na lang ata uli kita nakita?" sabi nya. Nagulat ako sa biglang pagsalo nya sa table ko. Tiningnan ko lang sya dahil simula pa lang ng makita ko sya, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya.


"Hmm........ alam mo, nung naging kami, ang daming naiinggit sa ken sa school. Dahil sa dinami dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya, ako talaga ang pinili nya. Sayang nga lang kase, biglang nagdecide ang parents ko na magmigrate sa States. Pero dahil nandito na uli ako, babalik na rin ang lahat sa dati." sabi nya habang patuloy lang na umiinom ng alak nya at nakatingin lang kay Kaye sa stage. Tiningnan ko sya ng masama. Ayaw ko sanang pumatol eh, wag lang syang iimik ng sala dahil makakatikim sya sa ken.


"Lhui, right? Alam mo Lhui, hindi kase kami nagkausap bago ako umalis non. So technically, kami pa rin. Okay lang sa ken kung tume-third wheel ka for the meantime, pero sa huli, isa lang sa tin ang matitira. Wala akong pakialam kung gano na kayo katagal. Kukunin ko lang kung ano ang akin. Kaya humanap ka na ng para sa yo." matapang nyang sabi sa harap ko. Malakas na ata ang tama ng babaeng to. Madami na yata syang nainom. Ang dami nyang kuda. Tama si Ivy, maarte sya na suplada at mataray at masama ang ugali at ang lakas ng loob, ang kapal ng fes, ang baho ng hininga nya! Whooh!


Hindi muna ako umimik. Hindi kase ako napatol sa lasing. Hintayin nya kung ano ang kaya kong gawin! Nakikipagmatigasan sya ng tingin sa ken. May pagtaas pa ng kilay nya. Maya maya pa, naramdaman ko ang kamay ni Kaye na lumapat sa likod ko. Hindi ko namalayan ang paglapit nya.


"Tin! Anon--" hindi natapos ni Kaye ang sasabihin nya dahil tumayo agad ako at hinalikan ito sa harap ni Tin. Lagi namang gumaganti ng halik si Kaye kaya lalo ko pang tinodo ang paghalik dito. May alak ba ang juice na iniinom ko at naging ganito akong kaagresibo? O dala lang to ng kayabangan ni Tin sa dami ng kuda nya? Baka nga. Gusto ko rin kaseng ipakita sa kanya na AKO. AKO ang nandito ngayon sa harap ni Kaye. Sorry na lang sya dahil binitawan nya to. Ako tuloy ang nakasalo. At hinding hindi ko hahayaan na makuha si Kaye sa ken ng kahit na sino!


Matapos ang eksenang yon. Tiningnan ko lang si Tin ng may pagmamalaki. Nakangisi lang to sa men. Tumayo sya at lumalapit kay Kaye pero bago pa man sya nakalapit ng tuluyan, binakuran ko na si Kaye. Nilagay ko sya sa likod ko at nakipagtitigan lang kay Tin. Nilipat nya ang tingin nya kay Kaye.


"Congrats for another amazing performance Kaye! See you on Friday?" kausap nya si Kaye habang nasa pagitan lang nila akong dalawa. Hindi sya nagpakita na apektado sya sa ginawa ko pero sure ako na naiinis ito sa ken. Baka nga pagtalikod ko saka sya magwala. Umalis na rin ito pagbati nya kay Kaye at sinundan ko lang ito ng tingin.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon