Part 63

467 15 16
                                    







"Kaye, sorry na talaga. Masyado lang akong na overwhelm sa pangyayari. Tsaka malay ko bang hahalikan mo rin ako sa lips." nangingiti si Kristelle sa huli nyang sinabi.

"For the record, hindi kita hinalikan. At naiinis ako dahil naniwala ako sa yo na wala ka ng gagawing kalokohan sa concert." galit na sabi ni Kaye habang inaayos ang gitara nya sa kaha nito. Pinagtitinginan sila ng ibang tao na nasa loob ng dressing room.

"Hindi ko nga sinasadya! Nagso-sorry na nga di ba?" nakangusong sagot ni Kristelle.

"I want you out of the last concert." madiin nyang sabi dito at padabog na naglakad palabas pero pagbukas nya ng pinto, nakaharang ang mga press na humihingi ng interview. Buti na lang dumating si Malou at hinila ang kamay nya palayo sa mga ito.

"I'm sorry guys, masama ang pakiramdam ni Kaye. Saka na lang po ang interview. Thank you." awat ni Malou sa mga tao.

Pagdating nila sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa hotel na kanilang tinutuluyan, nauna ng magsalita si Malou.

"Alam ko. Galit ka. Nakausap ko na yang batang yan eh pero yaan mo, pagsasabihan ko."

"I want her out at wala ng duo na mangyayari!"

"Sorry pero hindi pwede. Siguro tatanggalin na lang natin yung duet part nyo at di na natin sya isasama sa last performance. Madali naman yon. Sa duo nyo, sorry pero hindi din pwede dahil nakatakda na yung launching nyo. Magsa-start na nga kayo ng recording eh. Masisira tayo sa producer, hindi pwede."

"Pwes! pagsabihan mo yang alaga mo dahil sumosobra na sya!" Galit na galit si Kaye sa nangyari at sa inaasal ni Kristelle. Siguradong makakarating na naman to kay Lhui at umaasa na lang sya na maiintindihan sya nito.

"Oh my god!"

Nagulat si Kaye sa reaksyon ng manager nya na halatang na shock sa sinabi ng kung sino mang kausap nito sa phone. Nakatingin lang sya dito at naghihintay na matapos ang pag-uusap nila.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong nya. Hindi makasagot si Malou. Tumingin lang sya saglit kay Kaye at mabilis na binawi ito. Napapailing sya habang nakapatong ang noo sa kamay. " Bakit ba kase!" pangungulit ni Kaye.

"Si Kristelle......tsk...tsk....tsk." sagot lang nito.

"Bakit? Anong nangyari dun?" bigla syang nawalan ng interes at umayos na lang ng pagkakaupo.

"Nagpa-interview lang naman. Tsk! Di talaga pwedeng pabayaan yung taong yon. Nakakainis!!! Pano ko na naman kaya aayusin to!!" namomroblemang sabi nito sa sarili.

"Interview lang pala eh. Alam mo namang masyadong mapapel yung alaga mong yon. Laging naghahanap ng atensyon!!" pula nya.

"Oo nga! interview lang. Makukuha nya ang atensyon mo dahil sabi nya sa press na may relasyon kayo!" balita ni Malou.

"WHAT?!!!Nag-iisip ba yung taong yon! Nak ng....." Nakuha nga ng balita ang atensyon ni Kaye. Lalo lang lumala ang galit nya sa kasama.

"Hay naku!!! Sya na! Sya na ang black sheep sa inyong mga alaga ko. Naku!! Talaga naman!" nanggagalaiti sa inis si Malou.


Pagdating sa hotel, hinintay talaga nilang dumating naman ang sinasakyan ni Kristelle at ng iba pa. Ngunit pagpasok ni Kristelle sa lobby, iniwan na ni Kaye ang lahat sa manager nya. Sobra syang nagagalit at mas pinili na lang nya na ipaubaya ito kay Malou.

Pag-akyat ng kwarto nya, ibinagsak nya ang sarili sa kama at nakatingin lang sa kisame. Anu na naman ba tong problema na'to!!! Ano na lang ang sasabihin ko sa asawa ko!! Sabi nya sa sarili. Hindi nya agad agad matawagan ang asawa dahil una, malalim na ang gabi at pangalawa, hindi nya alam ang sasabihin. Masyado nang madaming sacrifices si Lhui pagdating sa kanya at sa career nya. Hindi nya maiwasan na mahiya sa asawa. Nakatulog na lang si Kaye sa ganung posisyon sa sobrang pag-iisip.















Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon