Part 30

529 26 40
                                    

******************************

I left my phone sa kitchen while playing my Kaye Cal playlist........ after a few minutes, binalikan ko. Eh si husband nasa CR, katabi lang ng kitchen. Then I shouted, "Naku naiwan ko si Kaye, kumakanta pala!" Then my husband said,..." Si Kaye na naman, lagi na lang si Kaye!" Then I told him, "Eh di subukan mo kong kantahan maghapon!!" Then he said, " Si Kaye na lang, di naman ako nagrereklamo!" Nyahahaha! Wagi na naman si Monica......


At  dahil ako'y tunay na napipilitang mag-update eto na poooo!!! Ako talaga ang pinagkaisahan nyo! Huhuhu! Naiiyak ako sa inyo!!!😛😝🤒🤕

******************************

Nagising si Lhui na masakit ang ulo. Pilit nyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi nya alam kung panaginip lang ba na nakita nya si Kaye o talagang nangyari ito. Bumangon sya at naupo lang sa kamay habang hawak ang ulo ng dalawa nyang kamay.

Ganun na ba ko kalasing kagabi para makita ko si Kaye! Baka naman subconscious ko lang yon, pinaglalaruan lang ako. Grabehhh! Ang sakit ng ulo ko.

Bulong ni Lhui sa sarili. Bigla nyang naalala, wala sya sa sariling kwarto.

Oh my Gosh! Nasaan ako?! Sinong nagdala sa ken dito?

Nilingon nya at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto saka hinampas hampas ang ulo.

Kase naman eh! Lalasing lasing tapos hindi alam ang nangyayari!

Biglang naisipan ni Lhui na tingnan at pakiramdaman ang sarili nya kung may ibang nangyari sa kanya. Napahipo pa sya sa maselang bahagi ng katawan nya bago sya nakahinga ng maluwag.

Hay! Buti na lang, hindi pa ganong kamalma ang nangyayari sa ken!!



Bumaba na sya ng kama at nagtataka pa rin kung nasaan sya. Lumabas sya ng kwarto at nakita sa kusina si Jeff habang nagluluto ng almusal. Lalo syang nakahinga ng maluwag ng makita ang kaibigan na nagdala sa kanya sa bahay nito. Lagi na lang si Jeff ang sumasalba sa kanya tuwing nalalasing sya pero ngayon lang nito sya dinala sa bahay nya. Dati kase, dinadala sya sa isang inn at nag-iiwan lang ng note. Kampante naman sya na walang gagawing masama sa kanya si Jeff.



Nilapitan nya ito habang may kinukuha sya sa ref at naupo si Lhui sa isang high-chair sa tapat ng mahabang parang mesa na divider ng kitchen at dining. Ng makita sya ni Jeff, nginitian sya nito at binigyan ng malamig na tubig at paracetamol.

"Oh! Pampawala ng hang over!" sabi ni Jeff kay Lhui habang iiling iling.

"Salamat. Bakit dito mo ko dinala? Wala ka na bang pambayad sa Inn?" sabi nito na halatang inaantok pa.

"Mmm...oo. Ikaw kase eh, kung dinadala mo ba ko sa bahay mo eh di naihahatid kita sa inyo." sabi nya habang diretso lang sya sa niluluto nya. Napalingon naman si Lhui sa mesa at napansin ang tatlong pinggan na nakahain dito. Medyo nagtaka sya at napatingin uli kay Jeff.



"Bakit tatlo ang ping--" tanong nya sana pero....

"Good morning!" mahinang bati ni Kaye. Nagpalipat lipat ang tingin ni Kaye kay Lhui at Jeff. Nagulat si Lhui sa nakita nya. Pakiramdam nya hulas na agad sya pero yung pakiramdam na namumutla at pinagpapawisan ng malamig habang titig na titig kay Kaye. Ang gwapo gwapo ni Kaye kahit bagong gising. Hindi man ito nakangiti dahil sa presence ni Lhui at kabadong kabado sya, hindi ito masyadong nagpahalata. Nakatingin lang si Lhui at Kaye sa isa't isa na parang wala doon si Jeff.



Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon