Part 8

619 20 2
                                    

We were having dinner with my kids habang nanonood ng tv. Lumabas si Angel Locsin na crush na crush ng asawa ko eversince. Sabi ko ang "ang ganda nya no?". Syempre agree si husband. Tapos may lumbas na bagong artist, hindi ko kilala. Sabi ko ang gwapo, ang reaksyon ni hubby parang sinasabing hindi naman. Tinanong ko sya, "hindi ka pa nakakaappreciate ng gwapo?". Sabi nya, "bakit naman eh lalake din ako!". I said, "bakit ako, naaappreciate ko pareho?". Sabi ba naman, "EH KASE TOMBOY KA!!!!! GUSTO MO NGA SI KAYE CAL EH!!!!!" Nyahahaha! Di naman kailangang isigaw yun. Char!!

****************

KAYE's POV











Hindi ko maintindihan kung bakit mahirap akong paniwalaan. Gwapo naman ako!? Di pa ba sapat yon para maging credible ako? Tsss! Aminin ko sa una, ginawa ko lang yun para kay Violet, pero nung unang beses na hinarap ko si Lhui, basta na lang nangyari na ginusto kong maging akin sya agad. Agressive na kung agressive pero, hindi ko rin alam kung bakit pag kaharap ko na sya, iba na ang ikinikilos ko.


Nung gabing dinalhan ko sya ng bulaklak, sobrang saya ko talaga. Ewan ko ba kung bakit at kung anong ginawa ng kutong lupa na yon at tumira na sa sya sa isip ko. Bagay nga kami.... kutong lupa sya na nakatira sa isang unggoy na tulad ko. Hahaha! Bakit kaya unggoy ang tawag nya sa ken? Ang gwapo ko naman! Sa sobrang saya ko, tinext ko agad si Brandon. Hindi nga sya maniwala at akala nya, pinaglalaruan ko rin lang si Lhui. Haay nako! Wala akong pakialam kung ayaw nilang maniwala lahat. Basta MASAYA AKO!!!!


Ginawa ko ang lahat ng paraang alam ko para magustuhan nya ako, kaya lang ang tigas ni Lhui. Ilang araw pa lang pero, parang wala talaga syang balak na pagbigyan man lang ako. Kase naman, ang taray taray nya! Parang laging naghahanap ng away! Walang kalambing lambing sa katawan. Ang swerte nga nya, of all girls sa school sya pa yung nagustuhan ko ng ganito. Salamat kay Violet at natrigger akong lapitan si Lhui makalayo lang sa kanya. 


Niyaya ko si Lhui na kumain sa labas pero mukhang malabo. Hanggang ngayon duda pa rin sila sa intensyon ko. Naiinis na ako. Bakit ba lagi na lang nya gusto na  pilitin ko sya? Sa halip na ituloy ko ang balak kong pagkain namin sa labas, nawalan na ako ng gana at dumiretso na lang pauwi.

Ililiko ko na ang sasakyan sa entrance ng subdivision......


"Oh! Akala ko ba kakain tayo sa labas?" naiinis na tanong nya. Hindi ko maintindihan ang kutong lupa na to. Kanina sabi nya hindi sya sasama sa akin, ngayon nagtatanong kung bakit hindi na kami tuloy! ANO BA ANG GUSTO NYA?!!!!!


Hindi na lang ako umimik. Diretso lang ako sa pagda drive pauwi. Pauwi sa amin. Dinala ko sya sa bahay namin. Siguro dahil alam nyang tampo ako, wala na syang nagawa. Hindi rin sya nagsasalita. Naghihintay lang sya ng susunod kong gagawin. 

Pinarada ko sa tapat ng bahay namin ang kotse at bumaba. Pinagbuksan ko sya ng pinto pero dahil parang ayaw nyang bumaba, kinuha ko ang kamay nya at hinila sya palabas. Nagmamatigas pa sya sa una pero dahil pinapakita ko na seryoso ako, binilangan ko uli sya....

"ISA!" medyo mataas ang boses ko pero hindi ko naman gusto na takutin sya. Kusa na din syang bumaba ng kotse pero hindi ko pa rin sya binibitawan. Inis na inis sya sa ginagawa ko pero, wala akong naririnig na reklamo sa kanya. Bakit kaya tuwing magbibilang na ko, sumusunod na sya? Haha! Isa siguro sa kahinaan nya... magagamit ko yon!

Hila ko sya papunta sa loob ng bahay....

"Yaya!......... YA!" sigaw ko na umalingawngaw sa kabuuan ng malaki naming bahay. Lumabas si Yaya mula sa kusina na nakasimangot pero ng makita nya na may kasama ako, agad naman itong lumapit sa amin ng nakangiti.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon