Ending na nga ba? Para sa ken kase hindi pa eh! Basahin nyo pa, ha! Kahit naiinis ako kay Lhui sa inggit, gusto ko pa rin naman ng mga sweet moments nilang pagsasasaluhan ni Kaye.
Why Can't it Be nga ba? Why not me?
Eh! Madaming may gustong itanong yan kay idol!!! Pustahan? May bago na namang theme song ang mga baliw kay Kaye. Nyahahah!
*****************************************
Inabot ni Kaye isang umaga si Lhui na may ginagawa sa kusina nya. Wala pa rin itong kasama sa condo nya hanggang ngayon.
"Wala pa rin ba si Amy? Ano nang balita sa kanya?" tanong ni Kaye habang lumalapit kay Lhui sabay niayakap nya ito sa likod at hinalikan sa pisngi. Hindi na sya umalis sa posisyong iyon at ipinatong nya ang ulo sa may balikat ni Lhui. Napangiti naman si Lhui sa paglalambing ni Kaye habang busy sya sa ginagawa nyang breakfast.
"Hindi ko nga alam pero, sabi ni Papa nakaalis na daw don. Baka naman may dinaanan pa. Okay lang naman ako eh, don't worry." sabi nya at humarap ito. Nakorner sya ni Kaye at lalong itong kinulong sa bisig nya. Parehong maganda ang mga ngiti nila. Pinatong ni Kaye ang noo sa noo ni Lhui at nilipat ang isang kamay sa pisngi nito.
"I miss you!" bulong ni Kaye.
"Late ka na umuwi kagabi sa inyo, tapos ang aga mo ngayon dito, namiss mo agad ako?" biro ni Lhui habang hindi mapigilan ang kilig. (sarap sabunutan, pag-untugin ko kaya!)
"Hm! That actually brings me to a wonderful idea!" bulong ni Kaye (wala namang ibang tao na makakarinig pero panay ang bulungan nilang dalawa) at dinampian ng isang masuyong halik si Lhui. "Why don't you move with me?" nangingiting sabi ni Kaye na may pagtaas baba pa ng kilay.
"Baliw ka talaga no! Hindi pwede, baka makaistorbo pa ko sa'yo." sagot ni Lhui.
"Hindi ah! Mas maganda yon, hindi mo na ko mamimiss." at lalong nilalapit ni Kaye ang katawan kay Lhui at hinalikan uli ito sa labi. Kahit konting hangin hindi makakalusot sa pagitan ng katawan nilang dalawa.
"Tama na, tama na!" pigil ni Lhui kay Kaye. "Baka kung saan pa tayo mapunta. Kumain ka na ba?" tanong nya habang kinuha sa may likod nya ang ginawa nyang club sandwhich.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!