Part 1

1.5K 32 17
                                    

*******

Bago ko lang simulan to, madagdag ko lang sa list ng kahibangan ko sa MESSAGE na first published para dito. (pasensya na, naalala lang eh! sorry na kung hahaba ito. konti lang naman) Eh ano nga! Isa sa kabaliwan ko eh ang pagcreate ng 9 na email address. Why? Paki nyo? Gusto ko! Joke lang! Kase remember nung PPop Love songs atsaka sa Push awards. Naging assignment ko araw araw na mag vote bago ako pumasok sa trabaho. Sabayan pa ng pagplay lagi ng Nyebe sa YT para dumami ang views. Whew! Sobrang kahibangan ba kamo? Ewan ko rin nga ba. Wag kayong magagalit kung may panaka nakang pagsingit ng mga kahibangan ko ha. Gusto ko lang talaga ishare! Sowi na!

**********






LHUI's POV






Nakatayo pa rin ako sa puntod ni Mama. Tulala lang ako. Syempre malungkot. Ulila na akong lubos. Mag-isang anak. Matanda na kase ang mga magulang ko ng ipanganak ako kaya, lagi nilang sinasabi kung gaano sila kaswerte at binigay ako sa kanila ng Dyos. Pero hindi ko maramdaman na maswerte ako ngayon. Mag-isa na lang ako eh.


Nag-alisan na ang mga taong nakipaglibing sa amin. Pero ayaw ko pa rin umalis sa harap ni Mama at Papa. Walang laman ang utak ko ngayon. Walang tumatakbo sa isip ko. Blanko lang. Ewan ko ba kung bakit.




"Oh, pano Lhui, tara na."


Si Tito Alex. Sya lang ang naiwan sa lahat ng tao. Hindi ko sya kamag-anak. Sya ang amo ni Mama at Papa. Nanilbihan ang mga magulang ko sa kanila simula pa lang ng highschool silang pareho. Dun na sila nagkagustuhan sa mansyon ng mga Vergara. Si Mama ang tumayong Yaya ng anak nilang si Ivy at Ryan. Si Papa naman ang hardinero turned family driver. Last year lang namatay si Papa. Ngayon naman si Mama. Hindi nila ako kasama sa mansyon. Ngayon pa nga lang ako makakapunta doon. Lumaki ako sa mga tiyahin ko dito sa probinsya. Kapatid ni mama. Pero nag-insist si Tito Alex na kupkupin ako bilang kapalit sa serbisyo ng mga magulang ko. Pag-aaralin daw nila ako. Siguro nga swerte pa rin ako sa kabila ng lahat dahil may nagkukusang loob na ampunin ako. Maganda naman ang serbisyong iniwan sa kanila ng mga magulang ko kaya naman, hindi sila nagdalawang isip na gawin ito sa akin.


Naupo ako sa likod ng kotse, katabi ni Tito Alex. Sya lang ang kilala ko sa pamilya nila kase, sya lang naman ang madalas pumupunta sa probinsya.

Ang haba ng byahe. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.Siguro sa pagod na rin dahil ilang araw na akong iyak ng iyak sa pagkawala ni Mama. Ginising ako ni Tito Alex ng nakatigil na ang sasakyan sa harap ng mansyon nila. Grabe! Ang laki! Mansyon nga di ba? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking bahay. Nakadungaw pa lang ako nyan sa bintana ha! Lalo na ng paglabas ko ng sasakyan...... lalo kongnakita ang kabuuan ng bahay at ng paligid. Nilingon ko rin ang labas......... ang lalaki din ng bahay ng mga kapitbahay nila. Palakihan ba ng bahay dito? Sa probinsya kase, paliitan. Siksikan. Ang daming pasikot sikot. Ang daming tambay. Maingay. Makalat. Ang daming batang gusgusin na nakapaa lang sa paglalaro. Pero dito, ang tahimik. ang aliwalas, ang bango, ang lawak, ang ganda.


"Lhui, halika na sa loob. Ipapakilala kita sa Tita Agnes mo, pati na rin sa mga anak ko."

Sumunod lang ako kay Tito Alex sa pag-akyat sa ilang baitang na hagdan papunta sa isang napakalaking pinto. Grabe ang laki ng pinto, mas malaki pa yata sa pintuan ng kapilya sa lugar namin. May malaking pigurin ng leon na kulay ginto sa magkabilang tabi ng pinto. Bumukas ng bahagya ang malaking pinto, sapat para magkasya si Tito at nakasunod lang ako. Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang kalawakan ng bahay, Ang daming gamit. May malaking chandelier pa sa harap ko mula sa napakataas na kisame. Parang singlawak sya ng sitio namin. OA naman ang laki ng bahay nila. Ang daming set ng sofa. Ilan ba ang nakatira dito at ang dami daming upuan. Wala namang TV. Ganito ba talaga ang style ng mayayaman?

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon