Part 62

402 15 14
                                    









Patuloy lang na naging busy ang mag-asawa sa kani-kanilang trabaho. Sa maiikling oras na nagkakasama sila, natututunan naman nilang sulitin ito at kahit papaano ay pilit na sinasanay ang mga sarili sa sitwasyon. Pero higit na nahihirapan si Kaye dahil sa kagustuhan niyang mas makasama ng matagal ang asawa. Magsisimula na ang concert tour nya pero hindi man lang makakasama si Lhui sa kanya. Ngayong nagsisimula na uling umayos ang relasyon nila, mas lalo nyang namimiss ang asawa.

Puspusan na ang mga rehearsal dahil tatlong araw na lang, concert na. Wala ng inatupag si Kaye kundi ang siguraduhing magiging maayos ang lahat lalo na ang performance nya para sa mga fans nya. Dahil dito, madalas hindi nya naiisip ang asawa. Maaalala nya na lang uli ito kapag pauwi na sya.





Last day of rehearsal.........

Pagod na pagod si Kaye dahil pina-finalize nila ngayon ang isang sayaw. Hindi nya to madalas gawin sa mga shows nya pero dahil isa ito sa gustong makita ng mga fans nya, pinilit nyang pag-aralan ito kahit papano.

Nakaupo sya sa sahig habang nakasandal sa salamin ng studio. Inabutan sya ni Kristelle ng isang boteng tubig na kasama nya sa ginagawang number.

"Nakakapagod no? Grabeh! Sabi ni May, isang round pa nung ginawa natin bago yung final number mo." hingal na sabi ni Kristelle na tinabihan sya sa pagkakaupo. Hindi naman sya makasagot dahil sa sobrang pagod. Ang init init ng pakiramdam nya at puno ng pawis ang mukha at buong katawan kahit air conditioned ang studio na gamit nila. "Ang unfair!!!!" reklamo ni Kristelle. Napatingin naman si Kaye sa kanya at nagulat ito na sa kanya nakabaling ang ulo nito. Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa kaya mabilis syang tumingin uli paharap. "Pareho tayong pagod at pawisan pero bakit ang fresh mo pa ring tingnan!!! Samantalang ako, feeling ko ang dugyot ko na!!!!" May kalakasan ang boses nito kaya napansin sila ng mga kasamang dancers at kinantsawan silang dalawa.

"uuuuyyyyyy!!!" halos sabay sabay na biro sa kanila ng mga dancers.

Hindi naman ito nagustuhan ni Kaye kaya tumayo ito para lumayo kay Kristelle.

"Huy! San ka pupunta?" pigil nya.

"CR lang ako." Sabi ni Kaye pero mas mukhang nagpaalam lang sya sa isa sa mga dancer kesa sa sinagot nya si Kristelle.




Sa labas ng studio nagpahinga si Kaye. Hawak ang cellphone at tinetext si Lhui. Di nya namalayan na sinundan sya ni Kristelle.

"Excited ka na na for tomorrow?" si Kristelle na parang laging on hyper mode kung umimik.

"Ano ba!! Nakakagulat ka naman! Hinaan mo nga mg konti yang boses mo!" reklamo nya.

"Hihihi! Sorry! Ang suplado mo talaga no! Consistent ka don, pero bakit parang sa ken lang? Siguroooooo...."

"ANO?" inis na si Kaye.

"Wala! Hehehe!" tuwang tuwa pa rin si Kristelle kahit pa naiinis na sa kanya si Kaye.


"Guys, let's go na ulit!!!!! Hoy! Kayong dalawa, pasok na!" tawag ni May, choreographer nila. Una nang tumayo si Kaye at aalis na sana pero napansin nyang nakataas ang dalawang kamay ni Kristelle na parang humihingi ng tulong para makatayo. Nakatingin ito sa kanya sa kanyang paglingon at parang pusang nagmamakaawa na abutin nya ang mga kamay nito. Napailing lang si Kaye at napilitang iabot ang isa nyang kamay.

"Arte arte.." bulong ni Kaye.

"Ano yooon! Anong sabi mo?" nangaasar na sabi ni Kristelle habang tumatayo. Hindi nya tinitigilan ang pang-iinis kay Kaye habang tatawatawa.

"WALA!" sigaw nya at nauna ng pumasok uli sa loob ng studio.

"Kaaaye..... waaaiit!!" habol ni Kristelle pero di na sya nilingon ni Kaye.








Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon