"Lhui, I need you to be at the office tomorrow. Nagresign yung secretary ko at wala pang nahahanap na kapalit. We are in the middle of a project at nakaschedule sya for a meeting with Jeff. Ikaw lang ang naiisip kong pwedeng tumulong sa ken." si Ryan. Sinadya nya si Lhui sa bahay ni Ivy para pakiusapan.
"Ano bang tingin nyo sa king dalawa ha? Ginagawa nyo kong panakip butas sa mga problema nyo ah!" reklamo ni Lhui.
"Oy hindi ah! Sinabi ni Mama sa ken na pauwiin ka para di ka maburo sa States. Ginawa ko lang dahilan si Chloe pero kita mo naman, pagdating mo dito andyan si Allen. Tsaka, company nyo naman ang pagkakaabalahan mo ah! Ano bang nirereklamo mo dyan?" pikon na sagot ni Ivy.
"Ibyang." marahang saway ni Ryan. Hindi na sya nasanay sa dalawa na laging parang nag-aaway pag nag-uusap. "Lhui. Please. For Papa. For the company. We are finally merging with the Cal's. Makakampante ako na mas magiging stable ang company natin matapos lang ang project na to." pakiusap uli ni Ryan sa kapatid.
"Okay fine. But I need a condo close to the building, and a car.......... and don't stop looking sa kapalit ng secretary mo, Kuya ha. I'm just your temporary secretary." irap ni Lhui sa kapatid.
"Wohhh! Okay, demanding sister!!! Sige ha, I'll see you tomorrow. Una na ko, hinihintay na ko ng Ate nyo sa bahay." paalam ni Ryan at nauna na nga itong umalis. Naiwan si Ivy at Lhui sa may garden kung saan sila nagusap-usap.
"Bakit kailangan mong humingi pa ng condo? Ayaw mo na ba kong kasama dito?" tampong tanong ni Ivy.
"Bingot, ang layo kaya ng office dito!! Gusto mo bang mas mapagod pa ko sa byahe kesa sa work sa office? Ikaw kaya!" may pagtaas ng boses si Lhui.
"May point ka don. Pano yan, limited na ang oras mo? Baka hindi ka na makasama sa mga shows ni Kaye. Perfect attendance ka pa naman lagi sa pagsunod sa kanya...." tanong ni Ivy.
"Oo nga eh. Well, kung gusto may paraan. Hindi ko na hahayaang may umagaw pa uli sa atensyon ko sa kanya. Kaya ko yan!! Ngayon pa, si Tito Edwin na mismo ang lumapit sa ken para sila naman ang magkaayos ni Kaye." kwento ni Lhui.
"Really?! Kelan nangyari yon? So after nyang paglayuin kayo, pinaglalapit nya naman kayo para mapalapit sya kay Kaye? What the...... anyare?" gulat na tanong ni Ivy. Wala syang alam sa mga nangyari sa States bilang hindi naman nagkukwento si Lhui dito.
"Natauhan siguro ang matanda. Nagmalupit, nagkasakit kaya natauhan. Buti mabait pa rin sa kanya ang kapalaran. at buti mabait pa rin ako sa kanya. Pero, mas gagawin ko to ngayon para sa sarili ko. Kung magawa ko man na patawarin sya ni Kaye, bonus na lang yon para sa ken." seryosong sabi ni Lhui.
"Alam mo Lhui, don't be too hard on yourself sa paghahabol kay Kaye. You just made a choice. Kung hindi yon maintindihan ni Kaye, then so be it. Baka talagang hanggang dun lang kayo." sabi ni Ivy na hanggang ngayon, naaawa pa rin kay Lhui dahil sa mga pasang inaabot nito tuwing sumasama sa mga lakad ng team sa pagsunod kay Kaye.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!