Part 7

609 22 8
                                    

Pumunta kami ng asawa ko sa Goldilocks sa palengke ng Lipa at pagtigil namin don, saktong nagpe-play ang kanta ni Kaye na Runaway....medyo patapos na sya pero sinundan ng isa pa nyang kanta, Walang Iba. Napansin ng asawa ko ang kakaibang ngiti sa mukha ko, tapos sabi nya..."Eh Eh...talaga namang!!!!! Kilig na kilig eh..."

Yun lang. At least hindi nya masyadong pinagseselosan si Kaye!! Hehehe!

*****************







LHUI's POV










Ha!!!!!!!!!!!



Ano ba ang nangyari!!!!



Tameme ako teh!!!!!



Bakit ganun?!!!!!!



Seryoso ba sya?!!!!



Hindi! Hindi Lhui!



Wag kang magpapaniwala sa isang unggoy na katulad nya. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang isang tulad nya. Wag na wag kang magpapadala!!!! WAG NA WAG!! NOooooooooooo!!!!!!!!!




Tatakbo na ko sa kwarto ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Sa school pa lang, nang harass na sya........... hanggang dito ba naman sa bahay!! Ano ba to? Bakit ako pa? Ganito ba talaga sya?




Ang gwapo nya kanina...... ramdam na ramdam kong nag iba ang tibok ng puso ko. Nag-iba ang takbo ng hininga ko. May kung anong meron sa paglapit nya kanina at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi.......HINDI! HINDI TALAGA! Bwisit na yon! Pati feelings ko balak pa yatang paglaruan! 




Hinga ng malalim Lhui......... Hoooooooooh!........Haaaaaaaaaahhh!!



Okay! Hindi yun nangyari...... walang nangyari..... kalma lang........ joke lang yon........ trip lang nya......... bukas, iba na uli ang takbo ng buhay nyong dalawa. Calm down... nice and slowly.................













"LHUI!!!!! Para sa yo daw to? Kanino galing?" bitbit nya ang flowers na dala ni Kaye.

Nakakagulat naman tong si Ivy. Yung sigaw nya sabay sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Ni hindi man lang kumatok. Naistorbo ang pagko-concentrate ko..

"Wala yan. Tapon mo na yan.." sigurado ba ako sa sinasabi ko? Bakit parang ayaw ko naman sa binitawan kong yon?

"Hala! Sayang naman... akin na lang?" Nilalaro laro ni Ivy ang mga petals ng bulaklak.

"Si...sige." Medyo nalungkot ako dun sa sinabi ko, pero mas maganda na yon. Pinaglalaruan lang din naman ako ng unggoy na yon eh.



Kinaumagahan, pasakay na ako ng kotse ni Ivy bilang lagi nya akong sinasabay sa pagpasok. Bilin kase ni Tito Alex para di na ako magcommute papunta sa school at pauwi sa bahay. Biglang may bumusina sa labas ng gate at lumabas ng kotse nya si Kaye, sabay pasok sa gate na kabubukas lang ni Amy.


















BANG!!!!


"Ayyyy... Dyusko pong bata ka talaga....ang aga aga!!!." sigaw ni Amy. Pigil sa pagtawa si Ivy habang parang wala lang kay Kaye ang ginawa nyang pagtapon ng pikolo malapit kay Amy. Haay Nako! Ang pilyo talaga! Napapailing na lang ako sa ginawa nya.

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon