Part 47

618 27 32
                                    


Grabeh! Parang ang laki ng kasalanan ko sa inyo..... Oo na, mabagal na kong mag-update. Kung alam nyo lang!!!! Heheheh! Eto na, hahabaaaaaaaaaaan ko para makabawi sa inyo. Ang demanding kase ni @HannahMaghari @aynmai29 @pjean08. Bakit ko nga ba nakalimutang isama sa character si Jean? Pasensya na, yaan mo, gagawan natin yan ng paraan. Madali naman ako kausap. O! Wag nang kumontra! magrereak na naman ang dalawa jan!


Di ba sabi ko sa inyo, wala pang closure yung kay Kaye at sa Papa nyang mayamanin? Simulan na naten at matingnan kung ano ang magagawa ni Lhui at kung pano maaapektuhan ang relasyon nila. Gusto ko sana uli silang maghiwalay eh! (Devil laugh) Waahahaha!




********************




Nakahiga si Lhui habang nakaunan sa braso ni Kaye sa isang sofa. Nasa unit sila ni Kaye ngayon at nagpapahinga. Walang trabaho si Kaye kaya naisipan nilang tumambay maghapon sa bahay nya. Sound trip lang silang dalawa habang sinasabayan ni Kaye ang kanta ni Bruno Mars. 


"Kaye, gusto ko ng bumalik sa trabaho." sabi ni Lhui.


"Kaya mo na ba?" tanong nito at tumagilid paharap kay Lhui. Nilalaro laro ng kamay nya ang pisngi ni Lhui.


"Oo naman. It's been 4 months since the operation. Tsaka sabi naman ng doktor, okay na ko eh." mahina nyang sabi. (eto na naman sila sa bulungan eh sila lang namang dalawa sa loob ng unit ni Kaye.) 


"Ikaw, ikaw bahala." nakangiting sabi ni Kaye sabay halik niya sa noo ni Lhui, tapos sa ilong, sa magkabilang pisngi tapos sa lips. Masuyong dinampi ni Kaye ang labi nya sa labi ni Lhui. Hawak nila ang pisngi ng isa't isa. Ang isang dampi ay nadagdagan pa ng isa, at ng isa pa hanggang sa gumanti na rin ng halik si Lhui. Dinaklay ni Lhui ang isang legs sa legs ni Kaye hanggang sa nagawa nyang umibabaw sa kanya ng hindi bumibitaw sa mga labi ni Kaye. Naupo sya sa ibabaw nito ng may matamis na ngiti. She's teasing Kaye. Itataas na sana nya ang suot na damit pero nakapa nya ang kanyang sugat. Bigla syang nahiya. Umalis sya sa ibabaw ni Kaye at naupo sa sofa.


"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Kaye. Umiling lang si Lhui habang hawak ang parte ng tagiliran nya na may pilat. Malungkot ang mukha ni Lhui. "Masakit ba?" tanong uli ni Kaye. Iling lang uli ang sagot ni Lhui. Inalis ni Kaye ang kamay ni Lhui at tinaas ng bahagya ang suot nitong damit. Tiningnan nya ang pilat ni Lhui at nilipat ang tingin sa kanya. Maya maya pa, masuyo nyang hinalikan ang pilat nito ng dalawang beses. Humarap sya kay Lhui at hinawakan ito sa bewang.


"Yun lang ba ang inaalala mo? Okay lang yon." bulong ni Kaye at masuyong hinalikan uli si Lhui. Naihiga nya si Lhui at pumaibabaw sya dito. Hanggang sa nilipat nya ang halik sa leeg nito, pababa................................

Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon