"Good morning sa pinakamagandang kutong lupa ng buhay ko" bulong ni Kaye sa pagmulat ni Lhui sabay halik sa ilong nito. Napangiti si Lhui sa ganda ng mukhang nagisnan nya sa paggising. Ang lapit ng mukha ni Kaye sa kanya at nakapatong ang halos kalahati ng katawan nito sa katawan nya. Marahang hinahaplos ni Kaye ang pisngi ni Lhui.
"Bangon na tayo, mag-aayos pa tayo ng gamit." sabi ni Kaye.
"Saan ba kase punta natin?" mumukat mukat na sabi ni Lhui.
"Basta! Magugustuhan mo to!" sagot ni Kaye sabay bumaba na ng kama at dumiretso sa banyo. Bumangon na rin si Lhui pero nakaupo lang sa kama. Nag-iisip kung ano ba ang binabalak ni Kaye sa sinasabi nitong bakasyon. Napapangiti sya sa pag-alala ng ginawa nila kagabi. Kinikilig sa pag-iisip na they have all their vacation to spend for the next few days na sila lang dalawa. Hindi mapigilang mag wonder na sana they have all their lives together.
Yakap ni Lhui ang mga tuhod habang nakaupo pa rin sa kama ng maabutan ni Kaye matapos nitong lumabas ng banyo.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" tanong ni Kaye habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalyang nakasampay sa kanyang balikat.
"Wala!" nahihiyang sagot ni Lhui sabay sinubsob ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod. Tinatago ang hindi mapigilang ngiti sa mga labi at namumula ang mga pisngi sa kilig. Umupo si Kaye sa kama sa may paanan ni Lhui. Pilit tinitingnan ang mukha nito.
"Alam ko na! Iniisip mo yung kagabi no?!" biro ni Kaye.
"Ay grabeh ang kapal! Feeling ka masyado!" sagot ni Lhui habang nakatungo pa din.
"Eto naman nahiya pa! Pwede naman nating ulitin kung gusto mo. Pagbibigyan naman kita!" tuloy lang sa pangungulit si Kaye habang pilit na pinapaharap si Lhui.
"Wag kang masyadong assuming! Tabi dyan, liligo na ko!"
Mabilis na umalis si Lhui papunta sa banyo. Hinabol pa sya ni Kaye pero hindi na nya ito inabot. Napailing na lang si Kaye sa inaasal ni Lhui.
Sakay sila ng nirentahang kotse na dinadrive ni Kaye pero hindi pa rin alam ni Lhui kung saan sila pupunta. Hindi naman sya nangungulit dahil alam nyang hindi sya sasagutin ni Kaye. Masaya silang bumabyahe habang sinasabayan ang music. Madalas magkahawak ng kamay. Panay ang haplos ni Kaye sa pisngi ni Lhui. Mayat maya din ang hawak ni Lhui sa batok ni Kaye at minamasahe ito ng pahapyaw. O sige na! Sila na ang sweet!😭
Malayo na ang nabyahe nila. Mula ng bumaba sila ng airport galing Cebu, ngayon lang naging pamilyar ang kalsada kay Lhui. Mukhang alam na nya kung saan sila pupunta.
"Kaye, samen ba ang punta natin?" kinoconfirm ni Lhui kung tama ba ang hinala nya. Kinuha ni Kaye ang kamay nya at hinalikan ito.
"Oo. Miss mo na sila, di ba?" nakangiting sagot ni Kaye. Napayakap si Lhui sa sobrang tuwa. Hindi sya umaalis sa pagkakayakap kay Kaye dahil sobrang na-touch ito sa ginagawa nya. Hindi namamalayan ni Kaye na naluluha na ito sa sobrang saya.
"Lhui, nahihirapan akong magdrive." saway ni Kaye. Umalis si Lhui sa pagkakayakap saka lang napansin ni Kaye na umiiyak na ito. "Huy! Hindi kita pinapaiyak ah!"
"Oo nga!"
"Eh bakit ka naiyak?"
"Eh kase!"
"Tahan na. Malapit na tayo oh, baka sabihin ni Ninong pinapaiyak kita." mahinang sabi ni Kaye habang pinupunasan ng isang kamay ang pisngi ni Lhui.
"Thank you talaga Kaye. Bakit ba alam na alam mo kung anong mga gusto ko?" nakangusong sabi ni Lhui.
"Syempre, mahal kita eh." pag-amin ni Kaye.
BINABASA MO ANG
Love is........
FanfictionAnother Kaye Cal fan fiction!!!!!! Bakit ba? Eh gusto ko tong ginagawa ko! Kayo na ang humusga kung maganda. Pero sana magustuhan nyo tulad ng Tell me Why!