Part 29

515 26 24
                                    

May nag request na lagyan ng mukha si Jeff. Yan Kaye vs Jeff.

di ba @pjean08??

*********




"Lhui!" 



Nagulat sya ng biglang lumapit sa kanya si Lhui at sinalubong sya ng yakap. Nag-aalala sya dito ng makita nya itong umiiyak pero hindi nya akalaing mangyayari na yayakap sya sa kanya. Iba ang naramdaman nya. Matagal na nya kaseng itinatago ang nararamdaman para kay Lhui. 

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Nag back out ba si Lara? Anong--" nag-aalalang tanong ni Jeff. Umalis naman si Lhui sa pagkakayakap sa kanya at iiling iling.

"Hindi..... actually hindi pa kami nakakapag-usap kase, ahm...... nagmamadali sya. Kinuha nya lang yung gawa ko tapos tatawag na lang sya......... Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya habang panay ang pahid ng luha sa mukha nya.

"Ahmmmm........" napatingin si Jeff sa may event center kung saan naririnig na uli nilang kumakanta si Kaye. "Wala. Wala naman. Gusto mo bang pag-usapan na yan?" tanong nya pabalik kay Lhui pero umiling lang uli ito.

Kahit noon pa man, hindi nagkukwento si Lhui tungkol sa personal nyang buhay kay Jeff o kahit na kanino sa mga nakilala nya dito. Kahit anong pilit ni Jeff, kahit pa lasing ito, hindi nya talaga mapilit na magkwento si Lhui. Kaya naman nahihirapan din sya kung paano ito dadamayan at mas nahihirapan syang ipaalam dito ang tunay nyang nararamdaman.

Diretso sila sa apartment ni Jeff at nagkulong lang si Lhui sa kwarto nya. Gusto sanang katukin ni Jeff si Lhui sa pinto pero mas nirespeto na lang nito ang kagustuhan nyang mag-isa. Nasa tapat lang sya ng pinto ng kwarto habang nakapatong ang noo dito. Gusto nya talagang damayan si Lhui pero ayaw naman nito. Nahihirapan syang nakikitang nahihirapan si Lhui. Nasasaktan din sya na makitang umiiyak ito. 

Ilang oras din ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Lhui.

"Lhui..." sabay katok ni Jeff sa pinto. "Okay ka lang? Uuwi na sana ako ng Bukidnon." 

Ilang minuto pa ang lumipas bago binuksan ni Lhui ang pinto. Pugto pa rin ang mga mata nito at halatang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Napabuntong hininga si Jeff sa nakikita nya.

"Pasensya ka na Jeff ha. Sige mauna ka na..... kung okay lang dito muna ako sa apartment mo. Bukas na lang ako uuwi. Baka kase, magkita pa rin kami ni Lara." si Lhui habang nasa loob pa rin sya ng kwarto at hawak lang ang pinto na nakasilip kay Jeff. Wala naman syang nagawa kundi tumango na lang ng bahagya at saka umalis, sabay sara ni Lhui ng pinto at nagutloy lang sa pagmukmok mag-isa.













"Hi Lhui! Can we meet? I've read your files and I'm interested so, saan ba tayo?" si Lara. Tinawagan nya si Lhui para sa transaction nila. 

"Ah, ikaw? Kahit saan, pwede." sagot ni Lhui na medyo matamlay at halatang napipilitan lang na makipag-usap dahil wala itong ganang kumilos o gumawa ng kahit na ano. Kung hindi lang ito para sa business, hindi nya sasagutin ang tawag.

"O sige, dun na lang din sa resto kahapon, okay lang?" si Lara.

"Ok sige. Give me 15 mins."

"Ay! okay lang, take your time! See you!" paalam ni Lara sabay putol ng tawag.

Naibagsak ni Lhui ang cellphone nya sa kama. Tamad na tamad man, sinimulan na rin nyang iimpake ang mga gamit nya para diretso na syang uwi ng Bukidnon. Panay ang buntong hininga nya dahil sa nangyari kahapon. 



Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon