Mystery 26: Azura
Sheryll POV
Takbo lang siya ng takbo. Hindi niya alam ang gagawin, iiyak ba siya o tatawa sa mga nangyayari sa kanya ngayon dahil sa kat*angahan niya.
*grrr*
Napatigil siya sa pagtakbo ng makita ang nasa harapan niya. Natatakot siya sa maaaring manyari sa kanya. Kung bakit ba naman kasi naisipan niyang umalis sa lugar nila alerno. Yan ang nangyayari sa mga hindi makontento sa nalalaman.
*grrr*
Nagtataka lang naman siya kung bakit may nakakapagsalita na aso. Natatandaan niya pa kung paano siya napunta sa kinahantuhan niya ngayon.
Earlier
Nagbabasa siya ngayon ng mga libro sa library nila alerno. Nakakailang basa na siya ng may mapansin siyang libro na kakaiba. Ang pamagat nito ay "Azura" dahil na curious siya binasa niya yun.
Azura ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga wolf, isa itong bayan kung saan lahat sila ay magkakauri. Nakuha ang pangalang Azura sa kauna-unahang wolf na nabuhay noong unang panahon at siya ang nagtayo ng lungsod para sa mga kauri nito. Nakapangasawa ito at iyon ay si Samantha. Nagkaanak ng isang napakagandang anak at pinangalanan nilang Samera. Na hango sa isang bulaklak sa kanilang bayan. Ang samera ay isang bulaklak na napakabango pero napakapanganip. Pwede mo itong amuyin at tignan pero oras na mahawakan mo, naglalabas ito ng napakakamandag na lason. Mabilis itong kakalat sa buong katawan at segundo lang ang bibilangin.
Biglang nawala ang mag-asawa sa hindi malamang dahilan. Malaki na si Samera ng mga panahon na iyon. Hinanap nito ang mga magulang sa loob ng tatlong taon kaya hindi na nito alam ang nangyayari sa tinayong bayan ng magulang. Isang araw napagpasyahan na niyang umuwi at tanggapin ng hindi na muling makikita ang mga mahal na magulang. Kahit masakit kailangan niyang maging matatag. Sa pag-uwi niya, nakilala nito si Sathura. Anak ng ninong nito at kinakapatid. Mabait si Sathura at laging iniisip ang iba bago ang sarili. Biglang umusbong ang isang pag-iibigan kaya napagpasyahan ng mag-kasintahan na magpakasal. Hindi nagtagal nagkaroon ng pinuno sa kanilang lugar.
Unang namumuno sa kanila si pinunong Sathura at katuwang nitong si Samera. Mabait ang mag-asawa at matulungin sa kapwa. Hindi sila mapagmalaki at pantay pantay ang tingin sa bawat isa. Naging mabuti at maunlad ang kanilang lungsod dahil sa mag-asawa. May samahan sila na tinatawag na WVW. Lahat ng kasapi nito ay mauunlad ang lugar at nagtutulungan ang bawat isa. Sa mahabang pamumuno ng mag asawa sa wakas at biniyayaan sila ng napakagandang anak. Nag-iisa nilang itong anak at ang pangalan nito ay Samantha. Si Samantha ay isang napakahinhin at napakabait na bata. Habang lumalaki nakilala nito ang dalawang kaibigan na anak sa dalawang kasapi ng WVW. Ang isa ay anak ni haring Samuel at reyna Tinandre, ang namumuno sa kabilang ibayo ng lungsod, ang pangalan ng kanilang anak ay Samarkand, napakagalang nito at napakagentleman sa mga kababaihan sa turo ng kaniyang mga magulang.
Napakagwapo nito at laging nakangiti na parang kilalang kilala nito ang kausap. Ang isa naman ay si Samara na anak ni king Sathur at Queen Tamara. Isa siyang napakabait na bata at maunawain, kahit bata pa lang ito ay napakamature nang mag-isip daig pa ang magulang sa pag-iisip ng plano. Napakatalino rin niya at wala kang maitatago sa kanya dahil nakakabasa ito ng sitwasyon. At bihira lang sa lahi nito ang ganitong katangian.
Naging matalik na magkaibigan ang tatlo hanggang sa lumaki lalong tumatag ang samahan nila sa bawat panig.
Napatigil muna siya sa pagbabasa. WVW anong ibig sabihin nun. Pinagpatuloy nito ang pagbabasa.
Hindi nagtagal biglang nag bago ang ugali nito, mula sa pagiging mabait naging mataray ito at masungit. Laging galit sa mundo. Sa hindi malamang dahilan bigla na lang ito nawala na parang bula. Walang nakakaalam kung saan ito nagpunta o kung anong dahilan nito. Pagkalipas ng isang taon bumalik si Samantha at mapapansin ang malaking pinagbago nito.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...