Kazan and Kiana
Phina POV
"Late ka Zezzaior" napayuko siya bilang paggalang kay uno.
Aminado siyang napasarap ang tulog niya. Nagtataka nga siya kung paano nangyari yun. Lagi kasi siyang organize sa lahat ng bagay kahit sa pagtulog. Kapag sinabi niyang iglip, iglip lang talaga pero iba ang nangyari.
"Pasensya na first." Hindi niya masabi kay uno ang bumabagabag sa kanya. Baka hindi pa ito maniwala. Nagbuntong hininga ito bago magsalita.
"Bago ito, ano bang nangyari?" Nag-aalalang sabi nito.
Lagi kasi siyang on time at hindi nahuhuli. Madalas pa nga mas nauuna siya sa usapan. Nag-aalinlangan siya kung sasabihin o hindi. Napabuntong hininga siya ng makapagpasya.
"Pagod lang po ako" sabay yuko. Parang pangalawa na niya itong ama kung ituring. Napalapit siya rito ng panahong nalulungkot siya at walang kaibigan.
"Bueno may ibabalita ako sayo tungkol kay ashlak." Napatayo siya ng tuwid ng marinig ang sinabi nito.
"Anong meron kay ashlak?" Kinakabahang tanong niya. Kinakabahan siya dahil sa kadahilanang hindi niya alam. Bakit nga ba siya nakakaramdam ng ganito? May mangyayari bang masama?
"Ayon sa nagbalita sa akin may nakakita kay ashlak na nandito ito sa fairylandia sa ibabang bahagi ng palasyo." Napahigit hininga siya ng hindi oras. Sa Woodland? Anong ginagawa niya sa Woodland?
Ang Woodland ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga fairy, ogle, dragon, nymph, faun, at iba pang creature na angkop sa lupain na iyon. Nahahati ito sa limang lupain. Ang una ang Fire land, sumasagisag ito sa pagiging matapang, mapangahas, at walang inuurungan.
Pangalawa ang Water land kung saan napakaemosyunal, sensitive at napakamisteryoso ng lugar. Ang pangatlo ay ang Earth Land ito ay sumasagisag sa pagiging tapat, practical, at dependent sa lahat ng bagay.
Ang pang-apat ay ang Air land, isa itong napakalakas na lugar na may nakapalibot na hangin. Ito ang nagsisilbing proteksyon sa teretoryo nito. Napakaadventurous din ng lugar na iyon. Marami kang makikitang nakakatuwang lugar at napakacreative ng nang-aalaga nito.
At ang pinakahuli kung tawagin nila ay Void. Ito ang pinakagitnang bahagi ng woodland. Ito rin ang nagsisilbing balance sa apat na lugar. Maaliwalas, at may magagandang tanawin ang bawat bahagi nito. Mabait sila sa mabait pero masamang magalit ang mga nasa void. Isa rin sila sa kasapi ng grupo nila first. Kung hindi siya nagkakamali isa sa ministro ang namumuno sa void. Ito rin ang kinatutuntunan ng palasyo. Nasa baba lang namin ang woodland. Kinatatakutan itong puntahan ng mga mahihina pero sa mga katulad nila hindi uso ang matakot. Kami dapat ang kinatatakutan.
Ang woodland ay isang replication lang nang isang lugar at kung tawagin iyon ay ang xanth. Wala akong masyadong alam sa lugar na iyon pero napakapanganib ng lugar na iyon.
"Anong ginagawa niya sa Woodland?" Hindi niya napigilang itanong.
"Iyan ang gusto kong alamin mo. Pumunta ka ngayon sa void at makipag-cooperate ka sa kanila." Matigas na utos nito. Kilala siya ni uno bilang solo sa lahat ng bagay at ngayon lang nangyari na makikicooperate siya sa iba.
"Masusunod uno" lumuhod siya. Tatayo na siya nang may narinig silang mga yapag na nagmamadali papunta sa diretsyon nila. Tumayo siya ng tuwid at sinalubong ang paparating.
"First, may nakapasok" agad na ulat nito. May kaliitan ito at katabaan. May itimang buhok at pulang pares ng mata.
"First sorry nakatakas sila kasalanan ko" sabay yuko at luhod. May kaliitan ito kumpara sa ibang lalaki. Kulay gray ang buhok at asulang pares ng mata.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...