Mystery 38: Red Moon

81 7 0
                                    

Mystery 38: Red Moon

"Blue" sinulyapan niya ang nilalang na tumawag sa kanya at ngumiti ng malawak.

"Kanina ka pa?" Hinihingal pa ito habang nakatingin sa kanya.

May kaitiman ang buhok nito na medyo magulo. Maaamong mata at matangos na ilong. Mapupulang labi at medyo may pagkasingkit ang mata tuwing ngingiti. May katangkaran din ito.

"Mukhang ang saya natin ngayon ah, anong meron?" Hindi niya napigilang itanong ng makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Masaya lang ako kasi nakita kita" napanguso siya sa sinabi nito at inirapan ito.

"Hay naku ewan ko sayo teka saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap eh" napapasimangot na napatingin siya sa taong nasa kanyang harapan.

"Alam mo blue, may nakita akong theater dun banda sa itaas ng building niyo. Tara manuod tayo" inakbayan siya nito at hinila palakad.

"Ano pa bang magagawa ko hinihila mo na ako palakad" natatawa itong ginulo ang kanyang buhok na tinampal naman niya ito.

"Stop doing that. It's irritating me"

"Wow nosebleed teka may panyo ka ba? Natulo na eh" natatawang hinampas niya ito ng makita na itinataas pa nito ang ulo na para bang may pinipigilang tumulo.

"Puro ka naman biro kuya lans eh" napapangusong napapangiti na nagbaba siya ng tingin.

"Eh anong magagawa ko?" Kapwa nagkangitian na lang sila.

Nag uusap sila ng iba't ibang bagay hanggang makarating sa theater. Marami silang pinag usapan. Kasama na rito ang paglilibot nito sa paligid.

"Irene" napatingin naman siya sa tumawag sa kanya at napangiti ng malawak.

Nakasuot ito ng pulang damit na para bang si red riding hood na may pagkamaid ang style ang pinagkaiba lang mas mature siyang tignan. May kapa rin ito sa likod na kulay pula. May kahabaang medyas na puti na may palamuti sa bandang tuhod nito at itim na sapatos. May gloves na mahaba at kulay itim ito. May pagkasingkit ang mata nito at nakalugay ang blonde nitong buhok. Mapula pulang labi na napakanatural sa kanya.

"Elly! Ang ganda mo naman sa suot mo" gandang ganda na sabi niya. Nagpost pa ito na para bang model ng isang sikat na damit.

"Syempre ako pa, maganda ka rin naman girl" napansin niya ang pasimple nitong pagsulyap sa kanyang kasama. Isinawalang bahala niya na lang ito. Baka kasi hindi niya pa kilala ang kanyang kasama.

"Elly meet kuya lans, kuya lans meet elly" pakilala niya sa bawat isa. Nakita niya pa na ngumiti ng malawak ang kanyang kuya lans at ganon din si elly.

"Robeliza, halika nga rito at magsisimula na tayo. Puro ka talaga landi" sabay silang lumingon sa nagsalita at nakitang sumimangot si elly.

"Hintay ka nga lang dyan, masyado kang atat ikaw ba ang bida? Diba ako? So maghintay ka dyan" nag hair flip pa ito bago muling humarap sa kanila at ngumiti.

"Sorry about that. Huwag niyong pansinin ang isang iyon kulang lang yun sa pansin"

"Robeliza papalitan kita kapag hindi ka pa bumalik dito" napairap naman ang tinawag bago nakangiting nagpaalam sa kanila.

"Paano ba yan guys mauna na ako at masyadong atat si nery" napatango sila rito at nagsimula na rin sila maglakad papasok ng theater.

Sa pagpasok sumalubong sa kanila ang napakaraming tao at idagdag pa na halos maubusan na sila ng mauupuan kaya ang tema napunta sila sa gilid ng stage. Pwede naman iyon basta may permit ng gumagamit.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now