Mystery 30: The beggining..
Unti unti syang nawawalan ng buhay habang pinapaalis nakita ko pa siyang umiiyak habang tinataboy kami. Alam kong kilala ko siya sa dugo at sa laman. Naamoy ko siya kahit malayo. Pareho kami ng mukha sabi nung babae sa harapan ko. Pero nakakatakot ang sumunod na nangyari. Bigla siyang naglaho sa maitim na usok.
Alam kong nanaginip ako ngunit ayaw bumalik ng kamalayan ng Diwa ko, animo'y may nagpapipigil sa loob ng katawan ko. Isang uri ng nilalang na gustong kumawala sa pagkapinid nito. Nang sa huli may isang nilalang ang kumuha sa akin ginising ako sa isang bangungot.
Siya raw ay si ashlak. May pakiramdam ako na minsan ko na siyang nakita. Sinabi niya sa akin na hindi lang ito ang una naming pagkikita. Hinawakan niya ang kamay ko at mula sa kanyang itim na damit lumitaw ang kulot na maputi niyang buhok. Para itong isang mahikang nagbibigay liwanag. Hindi siya nakakatakot ang totoo'y nakakabighani ang Ganda niya. Gandang matagal ko ng inaasam.
Walang salita ang lumalabas sa bibig ko maging siya man. May ipinakita siya sa akin. Isang pula at bilog na buwan. Tila isang dugo ang buwan na ito. May mga itim na uwak ang nagkalat sa daan na tila may inaantay na dumating.
Sa likod ng isang kakaiba at napakalaking puno. Nagtatago ang isang anino. Mayroong matatalas na ngipin nakikita kong labis ang kanyang uhaw, mga mata niyay pula't nagliliyab sa galit. Hindi ko matagalan ang mga mata niya kaya't lumingon ako sa kabilang banda.
Papalapit siya ng papalapit mata niya'y asul kasing linaw ng tubig, katawan niya'y kagaya ng sa lobo kakulay ng maamong tupa, ngunit siya ay gutom at handang manakmal. Nanginig ang aking kalamnan. Ngunit sa kabila ng takot nagawa ko pa ring tumingin sa pulang buwan. At isang imahe ang aking nasilayan.
Nakalutang siya may mahaba at itim na damit. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Buhok niya ay mahaba kumikinang sa kaitiman. Ngunit ang kanyang mata ay puti at isang nakakapangilabot na ngiti ang sumilay sa kanya.
Nais kong tumakbo, ngunit ako'y nauuhaw. Hindi tubig ang nais ko isang likido lamang ang may kakayahang pawiin ang uhaw ko.
Muli ay naglakad ako naghahanap ng maiinom. Nang sa aking daan nag kalat ang mga dugo. Amoy nito ay mahalimuyak. Sa aking sarili may isang nilalang ang kumawala.
Siya ay mabangis at uhaw, lahat ng daanan niya ay namamatay parang sumpang kailanman ay hindi maiiwasan.
"Mag-ingat ka sa bilog ng buwan, sa pula at bilog na buwan. Sila ay lalantad upang makuha ka. Ngunit mas mahirap ang uhaw na iyong mararanasan. Tanggapin mo at inumin ng kahit sandali ay maibasan ang sakit."
Sinunod ko ang sinabi ni ashlak. Sa una'y mapait ngunit sa sikmura ito ay naghatid ng tamis ng walang kapantay.
Muli pa niya akong hinawakan. Minsan ko ng naramdaman ang initial na iyon. Ngunit sa isip ko ay wala.
Hanggang sa makita ko ang isang liwanag.
*********
"Hoy Irene gumising ka..!".
Ang lakas ng tapik parang sampal na.
"Masakit Yun ahh!!!" ganting sigaw ko.
0_0 nanlaki talaga yung mata ko sa ginawa niya. Ang higpit ng yakap sa akin ni Scott.
"Akala ko hindi ka na gigising. Wag mo nang uulitin yun ha. Sobra mo kong pinag alala.."
///:) 0_0.. >.
Hanggang sa kusang gumalaw yung katawan ko. Yinakap ko ring siya ng mahigpit.
" Hindi ako makahinga". Sabi ko sa kanya.
VOUS LISEZ
MYSTERY ACADEMY
Mystère / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...