Mystery 46: It's not the end but also the beginning

54 6 7
                                    

Mystery 46: It's not the end but also the beginning

Tahimik na pumasok ang babaeng nakasuot ng pulang cloak sa isang kubo. Napapaligiran ito ng tagong puno. Naupo ito sa bangko ng maisara ang pinto saka hinarap ang lalaking nanatiling nakaupo.

"Anong plano mo ngayon?" Tahimik itong umayos ng upo.

"Kinausap ko si zanir na hindi na kailangang maalala ni sheryll ang mga nangyari nang mga panahon na muntikan na silang makidnap" mahina nitong sabi.

"Pumayag naman ba siya?" Napahinga naman ng malalim ang kausap bago nagsalita.

"Nung una hindi at naintindihan ko naman iyon syempre dahil alam kong hindi siya papayag kaya ginamitan ko siya ng alam kong paraan." Napangiti pa ito ng maalala ang nangyari.

"Kaya ba may sugat ka sa kabilang labi mo" hindi ito nagtatanong kundi siguradong sabi nito.

"Wala talaga akong maitatago sa iyo" natatawang sabi nito.

"Tuso ka talaga Azura"

"Mas tuso ka Ry at alam natin parehas iyon" nakangiting sabi nito.

"Kanino pa ba ako magmamana?" Tinanggal nito ang nakasagabal na hood sa ulo.

"Kanino nga ba?" Nakataas kilay nitong sabi.

"Huwag ka nga tumaas ng kilay hindi bagay sa iyo. Nagmumukha kang bakla." Seryosong nakaharap ito sa kausap.

"Oo na lang" nakangiti nitong sabi.

"Ano nga palang ipinunta mo dito?" Nagseryoso naman ito.

"Akala ko hindi mo na itatanong tanda" nakangising sabi nito.

"Kahit kailan talaga pero gusto ko yang ngiti mo. Count me in" napataas kilay naman ito.

"Wala pa akong sinasabi" pagtataray nito.

"Kung ano man iyang pinaplano mo alam nating parehas na mag eenjoy tayo" napangisi rin ito.

"Buti naman at alam mo kung paano ako mag isip. Magkakasundo tayo"

"Kailan ba tayo hindi nagkasundo?" Napailing naman ang kausap nito.

"Matandang hukluban ka na pero gusto mo pa ring makipaglaro." Parang wala lang itong ngumiti sa kausap.

"Matanda man ako sa akin ka pa rin pumunta" napangiti naman siya ng malawak.

"Magaling na banat. Pero tama na muna iyan" nagseryoso naman ito bago magsalita.

"This coming year or next year. A lot of fun will come" naging interesado naman ang mata ni Azura sa narinig.

"Go ahead" hindi nito napigilang sabihin.

"We need to plan for a surprise."

*****†*****

"Alerno" napatigil naman ang lalaking tinawag na alerno.

"Yes Cahel?" Mahina nitong sagot sa tapat na alpha.

"May bisita po kayo" nakayuko nitong sabi.

"Papasukin mo" agad itong umalis at ng muling bumalik ay may kasama itong batang babaeng napakacute at nakasuot ng pangkikay na damit pero may pagkakonserbatibo.

"Napadalaw ka?" Nakangiti nitong binuksan ang dalawang braso. Tumakbo naman ito papalapit kay Alerno at niyakap ito ng mahigpit.

"Alerno, hindi ko na maintindihan si kuya" sabi nito habang umiiyak.

"Shhh okay lang iyan. Alam ng kuya mo ang kanyang ginagawa" niyakap naman nito ng mahigpit ang bata.

"Kahit na, hindi ko kayang magsinungaling. Nasasaktan ako" mas lalong umiyak ito.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now