Mystery 14 :
Phina POV
"boring"
Nakahinga siya ngayon sa kanyang kama at kanina pa pagulong-gulong.
*sigh*
"makalabas nga muna at baka masiraan ako ng bait sa sobrang boring."
Tumayo siya at nagpalit ng damit. Paglabas sa dormitoryo, una niyang pinuntahan ang kanilang secret place ni Irene, well pati pala ng plastik na robeliza na iyon. Malakas ang kutob niyang may masama itong binabalak kay Irene, kaya naiinis siya. Kung plastikan ang pag-uusapan hindi ako magpapatalo sa babaing iyon. Alam kong OA na ako pero malakas lang talaga ang kutob ko at may tiwala ako sa sarili ko.
Hindi ko alam kong bakit idol na idol iyon ni Irene, kung tutuusin wala namang kaaya-aya sa isang iyon. Panira lang ng relasyon. Mabuti na lang hindi napupuna ni Irene na ayaw ko kay robeliza kung hindi magtatampo ang isang iyon. Ayaw niya pa naman manyari ang bagay na iyon. Aminin niya man o hindi, mahalaga sa kanya si Irene. Si Irene lang ang pinahahalagahan niya rito sa mundo ng mga tao at wala ng iba.
Nakahiga lang siya sa paborito nilang lugar. Nagpalipas siya ng ilang oras bago magpasyang bumalik sa dormitoryo.
Ramdam niyang may nakatingin sa kanya habang naglalakad pabalik ng dormitoryo. Tumigil sandali at nakiramdam. Malakas ang hampas ng hangin at anumang oras maaaring matangay ang mga punong nakapalibot sa daan. Napakatahimik at wala kang maririnig na anumang ingay maliban sa hampas ng hangin. Nang tumigil ito naglakad ulit siya. Habang naglalakad, may bigla na lang lumabas sa isang bahagi ng puno at napadagan sa kanya.
"aray, ano ba!" sabi niya sa taong iyon.
"pasensya na" hingi nito ng paumanhin. Magsasalita pa sana siya ng makuha nito ang pansin niya. Gwapo ito at maputi, halata sa itsura nito ang pagiging masungit at suplado. May galos ito sa ibang parte ng katawan pero ang mas nakakuha ng pansin ang dugong nagmumula sa tagiliran nito.
"masakit ba?" hindi niya alam kong bakit niya nasabi ang bagay na iyon at kung saan nagmula ang pag-aalala na halata sa kanyang boses.'what the....hindi ako ganito.' bulong niya sa sarili. Tumingin ito sa kanya bago sumagot.
"okay lang ako miss."magsasalita pa sana ako ng may bigla na lang sumulpot na lalaking blonde ang buhok at asul na pares na mata.
"dude, let's go, they're coming." tapik nito sa lalaking may sugat. Tumango lang ito at tumingin sa kanya.
"miss, I'll see you again." pangako nito sa kanya at sa isang kisapmata lang, na wala na ito.
"what the....."
Kahit hindi nito sabihin alam niyang bampira ito.
"sayang gwapo pa naman."
At nagsimula na siyang maglakad pabalik sa dormitoryo.
Sheryll POV
"bakit tayo nagtatago?" tanong niya kay jahn.
"shh" sagot nito.
Nagtataka lang naman siya kung bakit nagtatago sila sa isang underground. Yes, nasa underground kami ng bahay nila JK kaso isa itong kwarto na may isang kama sa gitna na kulay red at bookshelf ng mga libro at isang lamesa na may dalawang upuan at chandelier,'sosyal na underground'. Natatandaan pa niya kung paano sila napapunta sa lugar na ito.
Earlier
Maaga akong gumising at tinulungan si Marian sa paghahain ng agahan. Masayang nagkekwentuhan kasama si jahn.
"ang aga mo naman nagising." tanong niya kay jahn.
"kinakatok kita sa kwarto mo kaso walang sumasagot kaya dumiretsyo ako dito at baka tinutulungan mo si Ate Marian." sagot nito sa kanya.
ESTÁS LEYENDO
MYSTERY ACADEMY
Misterio / Suspenso( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...