Mystery 19: Question
Irene POV
Isang linggo na siyang hindi pumapasok at sigurado siyang nag-aalala ngayon si phina. Friday ngayon kahit anong pilit ng kanyang ina na sa linggo na siya pumasok ay nagpumilit siya. Kung nagtataka kayo kung bakit may pasok kami ng linggo, ibahin niyo kami, sabado lang ang vacant day damin, kung sa inyo ang unang araw niyo ay lunes sa amin ay linggo. Anyway isang isla pala itong lugar namin, ang pangalan ng isla ay palmer. Hindi ko alam kung bakit iyan ang pangalan ng isla.
Nasa tapat siya ngayon ng kwarto tulad ng dati ay tahimik at hindi naririnig ang ingay na nagmumula sa loob ng klasrom, hindi niya alam kung bakit ganoon, Hindi naman soundproof ang klasrom, napakadami rin ng kwarto na nakapadlock at bawal pasukin o silipin, ilan lang yan sa mga bagay na napakamisteryoso sa school o sa academy namin , kasama na ang pangalan ng bawat section, may kahulugan na para bang hindi na namin dapat alamin at sila lang ang nakakaalam kasama na ang identity nang bawat mag-aaral.
Pumasok siya at tulad ng lagi niyang nakikita sa araw-araw, ganoon pa rin.
Tumingin siya kay phina at nakita niyang iniangat nito ang paningin at tumingin sa direksyon niya. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Akala niya ay magagalit ito sa halip tumango lang siya at ibinalik ang tingin sa binabasa.
Tuluyan na siyang pumasok ng klasrom at umupo sa upuan niya. Malapit siya sa bintana kaya pagkaupo, agad siyang tumingin sa labas ng may mahagip ang kanyang mga mata. Kinusot ng ilang ulit at ng makasiguradong ay sinundan niya ng tingin ang tinatanaw nito. Napasinghap siya ng hindi oras.
' my beloved Ron nakatingin kay phina?' naguguluhan.
'paano nagkakilala ang dalawa? Ang tanong kilala ba siya ni phina? Kung OO, kailan at saan sila nagkakilala?'
Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan pero wala siyang makuhang sagot. Hanggang sa tumunog ang bell na hudyat ng simula ng klase hanggang sa matapos ito. Nakatingin pa rin si Ronald kay phina.
Nagulat pa siya ng maramdamang may nakatayo sa gilid niya at mas lalo siyang nagulat ng bigla siyang hilain nito palabas ng klasrom. Nagpahatak na lang siya sa taong iyon hanggang sa likod ng building ng school.
Pagkarating sa lugar na iyon, binitiwan siya nito at umupo. Inilabas ang baon na pagkain at nagsimulang kumain. Ginaya niya ang ginawa nito.
"galit ka ba?" tanong niya ng hindi makatiis. Nanatili itong tahimik,tumahimik na rin siya. Patapos na siyang kumain ng magsalita ito at niyakap siya.
"bakit hindi ka pumasok ng ilang araw?" Bumuntong hininga muna siya at naghintay ng buelo bago sumagot.
"pasensya na, nagkasakit kasi ako" naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at namasa ang bandang balikat niya. Nagulat siya.
"phina." mas niyakap niya ito ng mahigpit.
"bakit hindi mo sinabi, nag-alala ako hindi mo ba alam." Napangiti na lang siya sa inasal nito.
"hindi na mauulit."
Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya at tumingin ng diretsyo sa mga mata niyang medyo inaantok na. Nag-aalala itong tumingin sa kanya.
"kamusta pakiramdam mo?"
"mabuti naman medyo nahihilo lang "
May kinuha ito sa bulsa nito at ibinigay sa kanya. Pamilyar ang kulay at itsura ng lalagyan.
"inumin mo ito."
Walang Pag aalinlangang ininom niya ang ibinigay nito. Inubos at wala siyang itinira. Nahilo siya lalo.
"inaantok ako" ngumiti ito sa kanya.
"sige, matulog ka lang at babantayan kita."
Umupo ito at pinahihiga siya sa hita nito. Sinunod niya, a minute later napakalalim na ng kanyang paghinga.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog, pagmulat una niyang nasilayan si phina na nakatingin lang sa kanya. Ngumiti ito ng mapansing gising siya at ginantihan niya.
"how's your feeling?"
" great, ano nga pala pinainom mo sakin.?" hindi niya napigilang itanong.
"leaf herb"
Tumayo siya at nilibot ang paningin sa paligid. Napansin niyang papalubog na ang araw.
"ilang oras ako nakatulog?"
"5 hours"
"let's go, baka gabihin ka ng uwi." inilahad nito ang kamay at inabot niya ito.
Bumalik sila sa klasrom at umuwi na. Hinatid pa siya ni phina hanggang sa papasok sa kanila.
"bye, bye."
Wave (^-^)/ ako
wave \(^-^) phina
Naglakad na siyang papasok ng kagubatan. Yeah right, ang alam ni phina nasa bungad lang ang bahay namin pero ang hindi nito alam nasa gitna sila ng kagubatan nakatira.
Dumaan siya sa shortcut para mapadali at ilang minuto lang ang lumipas nasa tapat na siya ng bahay nila.
"I'm home"
Umakyat siya at pumasok sa kwarto, agad na humiga sa kama.
'bakit walang nabangit sa akin si phina? Paano sila nagkakilala?'
Napatigil siya sa pag-iisip ng maramdamang lumuluha siya.
'ang sakit'
'pero baka hindi sila magkakilala at nagandahan lang si Ronald kay phina, tama iyon nga'
Nakatulungan nito ang pag-iisip. Hindi na nito naramdamang may pumasok sa kwarto na dumaan sa bintana.
Hindi ito makita dahil natatakpan ng ulap ang buwan na nagbibigay sinag sa kadiliman. Ang tangi mo lang mapapansin ang kahabaan nitong buhok na kulot na nagliliwanag sa kaputian nito.
Lumapit ito sa natutulog at may hinawakan na bagay na nakasabit sa leeg ng natutulog. Isang kwentas, na bilog at nasa loob nito nakalagay ang isang crescent moon na may nakapatong na agila. Napaka unique ng pagkakagawa sa kwentas at kahit sinong makakakita ay mabibighani. May binulong ito sa nasabing kwentas bago umalis sa lugar na iyon. Bago ito tuluyang umalis sumulyap ito sa natutulog sabay sabing.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para mamulat ka sa totoong mundo na iyong ginagalawan, sa abot ng aking makakaya, bibigyan kita ng proteksyon na kahit sino ay hindi ka pwedeng saktan at makilala" tumalon ito sa bintana.
Sa kadiliman ng gabi may dumaan na isang tao na nakaupo sa isang walis, diretsyo itong nakatingin sa mga bituin at kahit sino ang makakakita sa kanya ay iisipin lang na isa siyang ibon na walang diretsyong pupuntahan.
'hanggang kaya ko pa, gagawin ko ang lahat huwag lang siyang manganib.' pangako nito sa sarili sa tapat ng buwan.
Sa muling pagtakip ng ulap sa buwan at pagbibigay nito ng sinag, nawala na parang bula ang taong kanina lang ay lumilipad sa himpapawid.
NA:
The name of island is exotic... I change it into palmer... So the name of island is palmer not exotic thanks...
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...