Mystery 45: After all Storm

21 6 9
                                    

Mystery 45: After all Storm

Ilang linggo na ang nakakalipas ngunit nanatiling natutulog si Phina. Lagi naman nakabantay sa kanya ang kapatid na si Kazan, Aiken, Kiana at Mandy. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo. Isinaayos ang pagsasalibing sa mga pumanaw at pagsasaayos ng paaralan.

Halos maglumpasay naman sa kakaiyak ang ina ni Robeliza sa burol nito. Habang ang ama ay tahimik na inaalalayan ang asawa. Sa hindi kalayuan may lalaking nakashade na nakatayo sa tagong puno habang nakatingin sa libing ni Robeliza. Ni cremate ito dahil na rin sa gusto ng kanyang magulang na itago ang abo ng anak.

Si Ronald naman ay tahimik na nakatingin sa batang natutulog sa kanyang tabi at napalingon sa lalaking nakasandal sa bintana habang nakatanaw sa labas. Alam nitong higit na nasaktan ang kaibigan pero may mas isa pang mas higit na nasasaktan at alam nito iyon. Alam niya ring alam nito iyon dahil nakita nila ang ginawa ng kanyang pinsan. Napabuntong hininga naman ito saka muling tumingin sa mata.

May itimang kulay ng buhok at pares ng mata. Kamukhang kamukha nito ang ama at ang nakuha lang nito sa ina ang pagiging vampira. Ilang linggo pa lang ito mula ng isilang ngunit aakalain mong nasa one years old na ito. Mabilis na rin ito makaintindi. Iginagalang naman niya ang pasya ng kanyang pinsan pero hindi niya talaga maiwasang masaktan kapag nakikita niya kung sino sino ang mga nasaktan sa nangyari rito.

Napapailing naman siyang napatingin muli kay Scott. Napatingin ito sa kanya ng mapansin nitong may nakatingin. Napataas kilay ito.

"Problema?" Nagkibit balikat lang siya sa tanong nito.

Nagtataka rin siya sa isang ito dahil madalas itong mawala. Halatang may tinatago. Lagi rin nitong kasama si Tyler na bihira lang nito gawin dati. Napakalamig na rin nito kung makitungo sa iba maliban lang sa anak ni Robeliza. Halos ini spoiled na nga niya yung bata. Kung hindi lang niya napipigilan. Ayaw niya rin kasi mamihasa ang bata.

"Kung wala na aalis muna ako" napatango naman siya rito.

Sinundan niya lang ito ng tingin bago tumabing humiga sa bata. Sa totoo lang may gusto siyang kausapin at makita pero sa ngayon makakapaghintay pa naman iyon. Hindi pa niya mamalayan na nakatulog siya kung hindi pa may tumapik sa balikat niya.

"Salamat Ronald sa pagbantay sa pamangkin mo. Ako na muna bahala dito at magpahinga ka muna" napatango naman siya sa nagsalita.

"I'm fine tita" nakangiti siyang tumayo sa kama.

"Anong fine fine ka dyan. Magpahinga ka muna at dalawin ang pinsan mo. Ni minsan hindi kita nakitang dumaan o dumalaw man lang sa burol niya." Malungkot nitong sabi. Natahimik naman siya saka tumalikod sa tiyahin.

"Mauuna na po ako" pagkalabas hindi niya maiwasang mapabuntong hininga. Bakit nga ba hindi pa siya dumadalaw kay Robeliza? Ah alam ko na dahil hanggang ngayon hindi niya pa ring tanggap na wala na ito. Naglakad naman siya papalayo sa kwarto ng pamangkin saka napatingin sa labas. Nakita niya pang nakaupo ang nakakulay pulang cloak sa isang puno pagkapasok niya sa kanyang kwarto. Binuksan naman niya ang pinto ng balkonahe. Nakangiti itong lumapit sa kanya saka naupo sa gilid nang kanyang kama.

"Bakit ka nandito" naupo naman siya sa tabi nito.

"Gising na siya" nakangiting sabi nito.

Natigilan naman siya sa gagawing paghiga saka napatingin dito. Hindi nito ibinaba ang hood na suot nito. Pamilyar sa kanya ang boses nito ngunit hindi niya mapangalanan. Napakapino kasi nitong magsalita na para bang nag iingat.

"Kailan pa siya nagising?" Nahiga siya ng maayos at tumingin sa kisame.

"Tatlong araw na siyang gising at hinihintay kang dumalaw" napabungisngis pa ito sa sinabi

MYSTERY ACADEMYحيث تعيش القصص. اكتشف الآن