A/N:
Sorry late update.......
Baka po hindi muna ako makapag update kasi busy po ako masyadong tao..... Sorry po.....
But next time babawi po ako.....
Mystery 13: half story
Irene POV
Unang nabungaran niya ang isang lalaking nakatayo sa isang napakalaking balkonahe at nakatigin sa malayo. Mapapansin na wala sa tinitignan nito ang iniisip. Tumayo siya at lumapit dito. Nasa bungad na siya ng mapansin nito na may ibang tao sa silid nito. Automatic na tumingin ito sa kanya. Sinuri ng maigi bago lumapit.
" Hindi ka dapat nandito." Sabi nito sa kanya. Magsasalita sana siya upang magtanong kung bakit nito nasabi ang mga salitang iyon kaso walang lumabas na boses. Umiling na lang siya bilang sagot.
*sigh*
"halika humiga ka muna at magpahinga, napagod ang pisikal mong katawan sa paglalakbay. Nabigla ito." naguguluhan siya sa pinagsasabi nito. Pinilit niyang magsalita pero pinigilan siya nito.
"alam ko, magpahinga ka na" pagkasabi nito, pinahiga siya nito sa kamang ngayon lang niya na pansin. Pagkahiga, umupo ito sa kanyang tabi at hinimas nito ang kanyang buhok, hindi niya mapigilang maramdaman ang sobrang pagod na ngayon niya lang napuna. Pinaglalabanan niya ang antok.
"huwag mong labanan, matulog ka at magpahinga." pagkasabi nito parang may sariling buhay ang kanyang mga mata na kusang pumikit ito pero bago siya mahila ng antok, nakuha pa niyang sabihin.
"who are you?" bago mawalan siya ng malay narinig pa niya ang sagot nito.
"Andrew"
Hindi niya alam kong ilang oras na siyang tulog pero nararamdaman niyang nasa tabi pa rin niya ang lalaki. May narinig siyang pamilyar na boses.
'kuya Lans'
Gusto niyang idilat ang mga mata at tumayo pero hindi sumusunod ang kanyang katawan at nanatiling nakahiga. Gusto niyang magpanik pero kahit magpanik pa siya, wala ring saysay. Narinig niyang may sinabi sa kanya ang lalaki bago ito tuluyang tumayo at lumayo sa kanyang tabi.
Lans POV
'how did he know?' naguguluhang naitanong niya sa sarili. Walang nakakaalam sa kanyang itinatagong lihim maliban sa isang tao.
"Alam kong nagtataka ka, nagtatanong sa sarili kung paano ko nalaman." tumingin ito sa kanya.
"ang masasabi ko lang, ang magkakalahi ay madaling nagkakaintindihan kahit walang salita na namamagitan. Unang tingin pa lang agad nating masasabi kung isa itong kalaban at kaaway o kakampi, kauri at hindi kauri. Sa kaso mo, hindi agad mapapansin ang totoo mong pagkatao kung hindi ka susuriin ng mabuti pero huwag kang mag-alala at hindi naman pansinin ang ganyan pero mag-ingat ka pa rin dahil mas malakas ang mga kalahati ang pinagmulan kesa sa buo o ang tinatawag niyong pureblood. Aminin man o hindi ng mga nakakaalam sa bagay na ito, sigurado akong iyon ang totoo. At hindi ka pa ganap na isang bampira kaya nakakalabas ka sa araw." tumingin ito sa labas.
"kung malakas ang kalahati ang pinagmulan kesa sa puro(pure) ibig sabihin nanganganip ang mga katulad ko?"
"tama.... isa kayong napakalaking hadlang sa kanilang binabalak ." pag-amin nito sa kanya.
"hindi naman namin sila ginugulo, paano mo na sabi na isa kaming hadlang sa kanilang pinabalak?" hindi niya napigilang itanong.
"dalawa lang ang dahilan,....
una, dahil sa propeta na kung saan nakatala na ang mga katulad mo ang tatapos sa lahat ng nilalang dito sa mundo...
.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...