Mystery 11:
Irene POV
"ma, i'll go ahead" hindi na niya hinintay na sumagot ito at tumakbo na siya papalabas ng bahay. Inaantok pa siya ng mga oras na ito, paano ba namang hindi, naenjoy niya ang pagbabasa tungkol sa tatlong magkakaibigan, naiyak pa nga siya kasi namatay si miguel para lang mapatigil sa pagwawala sa gabriella. pero ganun talaga ang bawat story, may namamatay at namumuhay, may naiiligtas at hindi. may nagiging matapang pagkatapos ng mga nangyari at minsan nagiging matatakutin. at 'yung iba pa nga nababaliw dahil hindi nila nakayanan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. katîbayan lang iyan na ang buhay ng tao, vampira o ng kung ano pa man ang nabubuhay sa mundo ay may limitasyon dito sa mundo. Hindi natin masabi kung hanggang kailan na lang tayo rito, nasa taas lang ang nakakaalam.
Hindi pa siya nakakalayo sa kanilang bahay ng may mapansin na siyang bagay na nakapwesto sa gilid ng isang puno sa tagong bahagi, sa unang tingin mapagkakamalang walang kahina-hinala pero kung susuriin, you can noticed that something suspecious . Walang pagdadalawang isip na nilapitan niya ito.
"mister are you okay ?" niyugyog niya ito pero hindi ito sumagot . iniangat niya ito kaya bumungad ang napakaamo nitong mukha. Nagulat siya hindi dahil sa gwapo ito kung hindi nakilala niya ang taong ito. Hindi siya maaaring magkamali dahil minsan na siya niligtas nito when she was young.
"kuya lans, wait lang tatawag ako ng tulong." hindi na niya hinintay na sumagot ito at tumakbo na pabalik ng bahay.
"ma, i need your help." hindi pa siya nakakapasok ng bahay, iyon na agad ang sinabi nito.
Lans POV
May narinig ako na pamilyar at napakamahinahon na boses.
"kuya lans, wait lang tatawag ako ng tulong." hindi na niya nakuhang sumagot ng mawala itong bigla. Maya maya may narinig siyang mga boses na papalapit sa kanya, hindi na niya nakuhang umangal ng hilain siya ng mga ito, wala na siyang lakas at puno pa siya ng sugat sa katawan. Hindi na niya napaglabanan ang antok kaya nawalan na siya ng malay.
Nagising siya ng may marinig na nag-uusap malapit sa kanyang hinihigaan. Hindi niya maimulat ang mga mata kaya nanahimik muna ito at nakinig sa nag-uusap.
"mabuti na lang at nasa malapit lang kayo doktor" boses ng isang babae. Kung pakikingan napakahinahon ng boses nito pero kasabay din nito ang malamisteryo na bumabalot sa katauhan nito, base sa kanyang pakikinig sa boses ng babae. kung ihahambing ito sa boses ng huling narinig niya bago mawalan ng malay, mas malumanay at maingat ito kung makipag-usap.
"kung hindi niyo po masasamain, ano po pala ang ginagawa niyo sa ganitong lugar.?" tanong ng isang boses. mas malakas at halatang dalagita ang may-ari.
"kung hindi rin nakakahiya ay aamin ako, naliligaw lang naman ako ." sabi ng boses matanda na lalaki.
"ganun po ba? kung hindi niyo po masasamain ay ipapahatid ko kayo kay lily sa labasan." sabi pa nito.
"kung ganun, aalis na ako at baka kanina pa ako hinihintay ng mga kasama ko." napansin niya na pamilyar ang boses nito at halatang pinapatanda ang boses.
"salamat po dok., ren dito ka lang at ihahatid ko ang ating bisita sa baba at uutusan na rin si lily." pagkatapos marinig ang sinabi nito. may narinig siyang mga yabag na papalayo at pagbukas at pagsara ng pinto. Maya-maya may naramdaman siyang umupo sa kanyang tabi dahil sa paggalaw ng kanyang hinihigaan. Kahit hindi niya aminin, nagiginhawaan na nakahiga siya sa kama. ang huling natatandaan niya ng humiga siya sa ganito ay labing dalawang taon na ang nakakalipas, aamin niyang namiss niya ring humiga sa kama.
"kuya lans. alam kung gising kana " pagkarinig sa sinabi nito automatic na naidilat niya ang mata na kanina ay hindi niya magawa dahil sa sobrang pagod at tumingin sa taong nakaupo sa kanyang hinihigaan.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...