Mystery 18 : Maxim

57 7 0
                                    

Mystery 18 : Maxim

Maxim is  a general truth, fundamental principle, or rule of conduct in tagalog kasabihan o salawikain

Sheryll POV

"Malalim na naman ang iniisip mo" Napukaw siya sa pagmumuni muni ng marinig ang nagsalita. Tumingin siya at ngumiti sa taong iyon.

"Hindi pa ba kami pwedeng umalis?" Tanong niya sa taong tumabi sa kanya. Nakaupo sila ngayon sa isang kubo na pahingahan para sa mga kabataang gustong magpahangin at makasagap ng sariwang ng simoy ng hangin.

Tumingin siya sa direksyon nila jahn at marian na masayang nakikisalimuha sa kalahi ng taong tumulong sa kanila. Naalala pa niya kung paano sila napapunta sa ganitong sitwasyon.

~~~~~1 week ago~~~~~

"Who are you and why are we here?" Tanong ni marian sa taong pumasok sa kwarto ng hindi nila alam kung kanila jahn ba talaga o hindi.

Ngumiti lang ang lalaki at tumango tango na para bang iyon lang ang hinihintay nitong itanong nila.

"Bakit ka ngumingiti?" pagalit na tanong ni marian sa lalaki. kinarer na talaga nito ang pagiging tagapagtanggol nila.

Tumingin ito sa kanilang tatlo. Kakaiba ang kulay ng mata nito, kulay ube na may mahahabang pilik mata, matangos na ilong, hugis pusong mukha, itim na buhok pero ang nakakaagaw pansin sa lalaking ito ang mga matang maliban sa kulay ube na nangungusap, puno ng misteryo na kahit sino ay maiilang alamin ang nasalikod nito. Puno rin ito ng kompiyansa sa sarili na kahit sino ay gagalangin ito sa maawtoridad na presensya.

"Masaya lang ako dahil gising na kayo." paliwanag nito. Ngumiti ito sa kanila at hindi niya maiwasang gantihan ito.

Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa taong ito at sa palagay niya mapagkakatiwalaan at ligtas sila sa mga kamay nito. Pamilyar sa kanya ang presensya nito pero isinantabi na lang niya ang nararamdaman.

"Kamusta ang pakiramdam niyo?" sasagot na sana siya ng sumabat si marian.

"Hindi mo sinagot ang tanong namin." seryosong sabi ni marian.

Hindi niya  maiwasang humanga kay marian dahil sa pinapakita nitong tapang, buti pa ito samantalang siya, hindi niya kayang kalabanin o salunggatin ang taong nasa harap nila ngayon na hindi pa nila alam ang pangalan.

Seryosong humarap ito sa kanila bago nagsalita.

" Alerno ang tawag nila sa akin, kaya iyon na lang ang itawag niyo at sa pangalawang tanong mo, nasa lugar kayo na kung tawagin ay Wolfhunt Village." Umupo ito sa isang sofa sa gilid na ngayon niya lang napansin kung hindi pa ito naglakad papunta sa parteng iyon ng kwarto ( kung kwarto nga ba? ), nasa gilid nito ang fireplace na nag-aapoy ng malakas. hindi niya maiwasan makaramdam ng lamig kaya napayakap siya sa sarili, napatingin siya sa dalawa at kagaya niya kapwa nakaramdam ng lamig.

"Umupo kayo at huwag mag-alala dahil tagsibol kaya nakakaramdam kayo ng lamig." sabi nito sabay turo sa katapat nitong upuan.

Makikipagtalo pa sama si marian ng pigilan niya ito. Sumunod siya kay jahn ng umupo ito, walang nagawa si marian kundi sumunod sa kanila. Pagkaupo, nakaramdam siya ng ginhawa, tumingi siya sa dalawa at kagaya kanina naginhawaan na rin ang mga ito, aminin man o hindi ni marian, alam kung nagtatapang-tapangan lang siya alang-alang sa amin ni jahn at nagpapasalamat ako dahil doon. Napukaw ang pag-iisip niya ng biglang magtanong si marian na ikinagulat nila ni jahn.

"Paano kami napapunta sa ganitong lugar? ang huli kong natatandaan, itinakas kami ni jk sa mansyon." Hindi nito napigilang itanong kay 'Alerno'. Tumingin siya kay 'Alerno' kaya nagkasalubong ang kanilang mga paningin kaya biglang pasok sa kanya ng reyalidad.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now