Christmas Day
Pasko na bukas ngunit hanggang ngayon wala pa rin sila. Nasaan na kaya ang mga iyon? Isang linggo na rin pala siya naghihintay sa kanila. Giniginaw na napahawak siya sa kanyang braso habang nagpalakad lakad sa hall way. Naiinip na napatingin siya kanyang relo. Time check 10:30.
"Mukha kang ewan sa ginagawa mo" Napapasimangot na napataas siya ng tingin sa nagsalita.
Nakasandal ito sa pader at nakatingin sa kanya ng walang makikitang expression sa mukha. Nakasuot ito ng jeans at long sleeve na kulay asul with jacket na medyo may kakapalan. Nakarubber shoes at may sobrerong suot. May scarf din sa kanyang leeg na kulay pula.
"Bakit kasi sa lahat ng pwedeng makasama ikaw pa ang napunta sa akin?" Sabay irap sa kausap. Hindi siya nito sinagot kaya mas lalo siyang nagalit.
"Sana si Ronald my loves na lang ang nakasama ko hindi ikaw. Ayaw ko kaya sa isang katulad mo." Pagalit na sabi niya.
"The feeling is mutual." Namumulang napatingin siya rito hindi dahil sa kinilig siya sa sinabi nito kundi sa sobrang galit na nararamdaman.
"How dare you" susugurin na niya ito ng may umawat sa kanila.
"Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin kayo magkasundo?" Napatingin siya sa nagsalita.
Katulad ng suot ng kausap niya nakajeans din ito at nakajacket na hindi kakapalan. Hindi niya makita ang panloob nitong suot dahil sa nakasara ang jacket nito. May bonnet itong suot na nakasalamin na lalong nagpadagdag sa appeal nito. May scarf ding nakasabit sa leeg nito na kulay abuhin.
"Bakit ang tagal mo? Dala mo ba yung pinapadala ko?" Biglang sabat ng kanina pang nanahimik na kasama.
Kahit kailan talaga walang manners ang isang ito. Hindi man lang bumati muna bago hingin yung hinihingi.
"Morning Tyler"masiglang bati niya rito.
"Morning din Irene" ginulo nito ang buhok niya.
Napapasimangot na tinapik naman niya ito. Kahit kailan talaga ang isang ito. Napapangiti na lang na napatingin sa isa niya pang kasama.
"Oo" bagay talaga silang magkaibigan. Hindi ngumingiti sa isa't isa.
Inabot naman nito sa kausap ang dalawang maliit na papel. Sinilip naman niya ang inabot nito sa kasama niya. Nakita niyang isa itong ticket sa park.
"Paano mauuna na ako sa inyo at may lakad din ako. Enjoy" sabay lakad papalayo sa kanila.
"Bakit ka naman niya binigyan ng ticket." Naniningkit na napatingin siya rito.
Hindi sumasagot na naglakad itong papalayo sa kanya habang nakapabulsa ang dalawang kamay nito. Napapantiskuhan na sinundan niya lang ito ng tingin. Nakakalayo na ito ng biglang magsalita ito.
"Ano tatayo ka na lang dyan? Mamumuti na lang buhok mo kakaintay sa kanila." Naiinis na tumakbo siya pasunod dito.
"Kahit kailan talaga napaka ano mo" hindi siya nito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sumakay ka sa likod ko" napapantiskuhan na napatingin sa rito.
"At bakit naman?" Nagsalubong ang dalawa niyang kilay.
"Sumakay ka na lang" masungit nitong turan.
"Pasasakayin mo ako ng nakaganito?" Sabay turo sa sarili.
Nakasuot siya ng dress na kulay sky blue at nakapatong ang kanyang jacket na medyo may kakapalan na may scarf sa kanyang leeg na kulay asul din at itim na bonnet. May suot din siyang gloves sa kamay na kulay puti at booth sa pangpaa.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...