Mystery 40: The beginning of all begin

25 7 6
                                    

Mystery 40: The beginning of all begin

Dahan dahan na naglalakad ang tatlong nilalang na nakasuot ng cloak sa loob ng kagubatan. Tahimik silang naglalakad at nakikiramdam sa paligid na kanilang nadadaanan. Nangunguna ang nakasuot ng pulang cloak kasunod nito ang nakakulay na asul na cloak at nasa pinakahuli ang nakaberdeng cloak.

"Malapit na ba tayo" tanong ng nakaasul na balabal sa mga kasama.

Walang umimik upang sagutin ang tanong nito. Napapailing na lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad na parang walang nangyari. Malalim naman na napabuntong hininga ang kanina pang nananahimik na nakapulang balabal samantalang ang nakaberde ay tahimik na nakikiramdam sa mga kasama.

Ilang oras pa sila nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maramdaman nila ang unti unting pagbabago ng panahon. Napatingin naman sila sa paligid at nakiramdam. Naging alerto ang bawat isa. Lumapit ang nakaasul at berde sa nakapulang balabal, tumabi ang mga ito sa magkabilang gilid at nilibot ang paningin.

Sabay sabay na napatingin ang mga ito ng makarinig ng ingay na nagmumula sa kanilang gilid. Nagsimulang lumapit ang nakaberdeng balabal at hinawi ito. Napatili naman ang nakakulay asul na balabal at nagtago sa likod ng nakapulang balabal kahit na mas maliit ito sa kanya.

"Magtigil ka nga weasel lang iyon" sabi ng nakasimangot na nakakulay berdeng balabal.

"Ito naman hindi mabiro. Testing lang naman" sabay tawa ng alanganin.

Napairap naman ang nakapulang balabal sa kasama saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ang dalawa. Nakakailang hakbang pa lang sila ng muling mapatigil ang mga ito. Mas naging alerto ang mga ito.

Sabay sabay na napatingin ito sa paligid ng makarinig ng isang tawa. Palipat lipat ito ng pwesto na para bang tumatakbo. Sinusundan naman nila ito ng tingin.

"Dito" sinundan ng nakapulang balabal ang boses at tinakbo ito. Humabol naman ang dalawang kasama.

"Wait lang" sinundan lang nila ito. Nadaanan pa nila ang mga punong may malalaking katawan.

Nasasangga din sila sa mga putol na sangga sa paligid at mga baling nakausli sa paligid pero patuloy pa rin sila sa pagtakbo sa pagsunod sa boses. Sabay sabay na napatigil ang mga ito ng mapatigil sa isang napakalaking palasyo na kanilang nakita. Medyo malayo pa sila rito pero rinig na rinig nila ang tawa ng isang bata na para bang tuwang tuwa ito sa isang bagay.

"Ang creepy" napahimas pa ito sa sariling braso.

"Malapit na tayo" sabi ng nakapulang balabal.

"Saan ba tayo tutungo Miss Zezzaior?" Tanong ng nakaberdeng balabal.

"Yung totoo? Hindi pa ba obvious? Duh syempre diyan sa mukhang creepy na mukhang hunted house or rather hunted mansion." Napapalatag pa ito habang tumitingin sa paligid.

"Naninigurado lang" nagkibit balikat ito sa sumagot.

"Don't worry nandito lang ako sa tabi mo Lover Boy" nagkibit balikat na lang ang nakakulay berdeng balabal na mukhang sanay na sa kasama.

"We must keep moving baka maabutan tayo ng umaga." Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad.

Nadaanan pa nila ang napakalawak na ilog papuntang mansion. Naghanap sila ng masasakyan. Saktong sakto ng mapatingin sila sa daungan napansin nila ang isang maliit na bangka sakto lang para sa tatlong nilalang. Agad naman silang lumapit at inayos ito sa ilog bago sumakay. Nagsagwan ang dalawang nakaberde at asul na balabal habang ang nakakulay pula ay nananatiling nakikiramdam sa paligid. Nakadaong naman sila ng matiwasay at hindi nagkaproblema. Agad silang bumaba ng bangka at nagsimulang maglakad muli papasok ng kagubatan.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now