Mystery 44: Battle for faith

29 7 32
                                    

Warning: some minors words of this chapter is not suitable to 18 below. Open-minded is needed. I don't want to corrupt your innocent mind. Thank you.

Mystery 44: Battle for faith

Napatalon siya ng napakataas ng makitang gagawin nito ulit ang ginawa kanina. Halos habulin na rin niya ang kanyang paghinga dahil sa walang humpay niyang pagtakbo. Napatago siya sa isang puno at panandaliang nagpahinga.

"One, two Lux Serenus coming for you." Napapikit siya at muling nagbilang mula sa isip.

"Three, four better hide yourself" uulitin na naman niya. Muli siyang tumakbo at nagpalit ng pwesto.

"Five, six find your safety place" napasandal naman siya at muling nagcount.

"Seven, eight i will find your place" bigla itong tumawa.

"I can see you" napabungingis pa ito na parang bata.

"Nine and Ten never rest at least" biglang tumahimik ang paligid.

"Styx" napatayo siya ng tuwid at naging alerto.

"Bulaga" sa gulat mabilis siya sa pag iwas at napatago sa isa pang puno.

"Heheheh ano isa pa ba?" Parang bata nitong sabi. Napapikit siya ng mariin.

"D*mn it, pinaglalaruan na lang niya ako." Naiinis na sabi niya. Kahit naman magwala siya at sugurin ito wala rin manyayari dahil kahit anong gawin niya mabilis lang itong nakakaiwas kahit na gulatin niya ito. Ano nga ba ang nangyari kanina?

Earlier

"Alam mo ba ang sinasabi mo?" Napailing iling ito.

"Bakit ano ba ang totoo?"  Nginitian siya nito ng seryoso.

"Tsk tsk tsk. Ako at siya ay iisa. Kapag namatay ako, mamatay din siya. Kapag nawala ako, mawawala rin siya. Anong gagawin mo?" Nakatingin lang siya rito ng seryoso.

'Ano nga ba ang gagawin niya?'

Hinanda niya ang sarili saka muling lumusob. Nagulat naman ito pero agad ding nakaiwas. Patagilid itong umiwas. Iwinasiwas naman niya sa kalaban ang ispada. Napabend naman ito ng katawan para makaiwas sa talas ng ispada saka tumayo ng tuwid. Napatalon naman ito pababa ng bato at takbo papuntang kagubatan. Sinundan niya ito hanggang sa makalayo sila sa mga kasamahan niya. Nakita niya rin sa kabilang panig si Ald na nakikipagpalitan ng wasiwas ng ispada habang sa kabila naman ang kasamahan niyang nakaberdeng balabal at umiiwas sa tumatawa nitong katunggali. Napatingin naman siya sa kanyang sinusundan. Nakatayo ito sa isang bato habang nakataas ang nakabukas na mga braso. Nakapikit din ito habang nakangiti. Humarap naman ito sa kanya ng nakangisi.

"Hanggang saan ang kaya mo para maibalik mo siya sa dati?" Nakataas kilay na sabi nito.

"Hanggang sa makakaya ko." Naghanda siya at saka nagbend na para bang handang tumalon ng napakataas.

"Oh this is battle for friendship or what?" Nakataas kilay na tanong nito.

"Yes, at gagawin ko lahat para mawala ka na kaya humanda ka" saka siya lumusob.

Hinarang lang nito ng dalawang daliri ang kanyang ispada ng walang kahirap hirap saka hinagis sa kanan nito. Dahil hawak niya ito kasama rin siyang nahagis. Ilang distansya rin ang layo nang narating niya. Napapasalampak siya sa mga nadadaanang puno saka nagpagulong gulong sa lupa.

"Sh*t buti na lang nakapagcast ako agad ng shield" agad siyang napatayo ng tuwid at napatingin sa paligid.

Katahimikan naman ang sumalubong sa kanya. Lumingon pa siya sa pinangalingan at napailing. Malayo rin pala ang nilipad niya. Nagsimula na siyang maglakad pababalik sa babaeng nakaitim. Sa simula naglalakad lang siya hanggang sa tumatakbo na. Nakaangat pa ang sandata niya sa kaliwang braso. Nasa kalagitnaan na siya ng makarinig ng isang tawa.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now