Special Chapter
Dikhan and Gaila First Meet
Masaya siyang nakaupo sa isang bahagi ng library habang nagbabasa ng novel na kaniyang nakita. Nakakalimutan niya ang problema sa tuwing ang katapat niya ay isang libro. O kaya nakakabasa siya ng isang napakagandang story. Halos lahat na yata ng book story na nandito sa library nabasa na niya. Mahahaba man ito o maiikli.
Isa rin sa tambayan at hide out niya ang library. Dito tahimik at walang mga estudyanteng maiingay. Walang mapanghusga at lalaitin ka. Nakakasawa na rin sa araw araw na nakasama mo sila lalo na at walang pinagbago ang routine nila sa araw araw.
Nang matapos sa pagbabasa napatingin siya sa katabing bintana. Napapikit pa siya ng humangin ng malakas. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag sariwang hangin ang nalalanghap mo sa araw araw. Napapangiting napadilat siya ng mata at hindi sinasadyang makita ang isang lalaking natutulog sa sanga ng puno.
Napakunot noo pa siya habang tinititigan ito. Kung hindi siya nagkakamali, isa ito sa pinakasikat sa kanilang paaralan. Kilala ito bilang playboy dahil sa paiba iba ang kasama nito sa araw araw. Halos oras oras ito magpalit ng babae na akala mo ay damit lang. Hindi rin ito pala pasok sa klase.
Napabuntong hininga siya saka napaiwas ng tingin. Baka kapag dumilat ito isipin pa ng lalaking iyon na pinagnanasaan niya ito which is not true. Napatayo siya sa pagkakaupo saka binalik ang librong hawak at naglakad pabalabas ng library. Napalingon pa siya sa kaniyang relong suot. At napailing pa siya ng makita ang oras.
"Late na ako sa susunod kung klase" hindi na siya tumuloy sa klasrom at naglakad siya papuntang garden.
At least kahit nasa garden siya, walang makakakita sa kaniya at walang pupuna. Pinagbabawal kasing pumasok sa bahaging iyon ng garden. Hindi niya nga alam kung bakit pero nagtataka lang siya. Naglagay pa sila ng garden kung pinagbabawal naman pasukin. Nakakapasok lang siya kasi hindi naman siya sumusunod sa patakaran. Well, slight lang at saka wala naman kasi nag iikot para i-check kung may tumatambay ba sa loob. Masyado silang tiwala na susunod ang lahat ng estudyante. Hindi man lang nila naisip na baka may matitigas ang ulo at hindi sumunod sa pinagbabawal.
Nang makapasok sa loob ng garden. Masayang umupo siya sa napakalaking puno na makikita sa gitna ng garden. Isa rin ito sa pinakamatandang puno na kaniyang nakita na nanatiling nakatayo.
"Kamusta ka na Mr. Tree" hinaplos niya ang katawan nito.
Lagi niya itong kinakausap sa tuwing pupunta siya ng garden. Parang bestfriend na niya itong ituring. Lahat ng problema at masayang nangyayari sa kaniya ay alam nito. Kahit ang pinakamaliliit niyang sekreto alam ng punong kausap niya ngayon.
"Mr. Tree kung naging tao ka kaya anong itsura mo?" Napasandal pa ang noo niya sa katawan nito habang nakatayo.
"Nagsasawa na ako. Gusto ko nang maging invisible" napatawa naman siya sa sinabi.
"Although kaya kung gawin iyon pero mas gusto kong kusa siyang manyari sa akin hindi dahil ginawa ko." Nakangiting sabi niya.
"Alam mo ba Mr. Tree nakausap ko si ama. Hindi niya pa rin natatanggal ang nilagay niyang seal sa akin" malungkot niyang mungkahi bago umupo ng patalikod sa puno.
"Hindi ko alam kung bakit niya kailangang gawin iyon. Gusto ko man siyang intindihin ngunit nakakasawa rin pala kapag tumagal ng tumagal. Nakakatawa right? Sarili kong ama sineal ang power ko? Pero nagtataka lang ako. Witch ako pero bakit kailangang i-seal? Gagana ba iyon sa katulad ko?" Napakunot noo pa siya saka pinikit ang mga mata.
"Iiglip muna ako Mr. Tree, sayo ko ulit ipagkakatiwala ang buhay ko" nakangiti naman siyang pumikit at nahiga ng maayos.
Tiwala naman siya sa punong kausap niya. Mas may tiwala pa nga siya sa nature kesa sa tao. Kasi ang tao mapagkunwari. Mapagbalat kayo at sinisiraan ka patalikod. Pero ang nature? Hindi ka nila magagawang traydurin bakit? Kasi lahat ng sasabihin mo sa kanila ay kanila lang pinapalaya sa kahanginan or tubig na para bang umaagos ito papalayo. Hindi nila ito masyadong dinadamdam. Kino-comfort pa nila tayo sa paraan na alam nila. Napabuntong hininga naman siya bago hilain ng karimlan.
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang natutulog. Ang alam niya lang sa muling pagmulat ng kaniyang mga mata ay papalubog na ang haring araw. Napahikab pa siya bago nag inat ng katawan. Nagtunugan naman ang mga ito.
Nakangiting bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ang puno. Hinaplos niyang muli ang katawan nito saka nagpaalam.
"Mauuna na ako Mr. Tree. Salamat sa pagbabantay sa akin habang natutulog ako." Humangin ng napakalakas.
Nahawakan naman niya ang palda ng muntikan na itong tumaas. Napapikit pa siya sa lakas ng hangin. Nilipad din ang buhok niyang buhay na buhay. Nang maging maayos na ang paligid. Napadilat naman siya ng dahan dahan. Nagulat pa siya ng mabungaran niya ang isang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan.
Seryoso itong nakatingin sa kaniya at parang pinag aaralan nito ang kaniyang expression. Napasimangot na inirapan niya ito bago naglakad papalabas ng garden. Madadaanan pa niya ang pwesto ng lalaking nakatingin sa kaniya. Natigilan siya ng pigilan siya nitong maglakad.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang pinagbabawal pumasok sa loob ng garden?" Nagsalubong ang kilay niya sa narinig.
First time may magtanong sa kaniya ng ganoon pero kung sa bagay first time din naman na may nakahuli sa kaniya.
"Hindi ko napansin pasensiya na" napatungong sabi niya.
"Bakit ka nandito?" Napahigpit naman ang hawak nito sa kaniyang braso.
Napasimangot naman siyang napatingin sa lalaking kausap. May asulang itong pares ng mata at gintong kulay ng buhok. Matangos ang ilong at mamula mulang labi na para bang galing sa pagkakagagat.
"Bawal na bang maligaw dito?" Naiinis na tanong niya sa kaharap.
Natigilan naman ito saka napabuntong hininga na binitiwan ang kaniyang braso saka ito tumalikod sa kaniya at namulsa.
"Sa susunod na makita kita dito sisiguraduhin kong makakarating ito sa nakakataas" napairap naman siya sa kausap saka ito nilagpasan.
"Okay salamat!" Nang makalayo ay sigaw niya sa lalaki.
Walang lingon likod na nagpatuloy siya sa paglalakad papalayo sa garden. Kung siniswerte ka nga naman. Nakausap ko ang isa sa mga pinakasikat sa school. Si dikhan, ang kaniyang pinakaiiwasan na makaharap at makausap. Napabuntong hininga na lang siya at nagpatuloy sa paglayo.
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...