Mystery 20 : Confess

63 7 0
                                    

Mystery 20 : confess

Phina POV

'Nakakairita'

Hindi niya mapigilang maramdaman sa tuwing nakikita ang lalaking iyon sa tuwina. Lagi itong nakatingin sa kanya sa malayo man o hindi at nagsisimula na siyang nakaramdam ng pagkainis. Linggo at may pasok kami. Kung nagtataka kayo kung bakit, huwag na kayong magtaka dahil iba ang panukala sa amin kesa sa inyo. Saturday lang ang vacant day namin, anim na beses kami pumapasok sa isang linggo. Hindi ko alam kung sino ang nakaisip sa ganitong set up. Kapag nalaman ko talaga kong sino iyon magtago tago na siya at siguradong hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa klasrom at nakaupo sa aking upuan, kung ako nga lang ang masusunod gusto kong magkatabi kami ni Irene and speaking of Irene.

' bakit wala pa ang isang iyon?'

Naiinis na rin siya sa taong kanina pa nakatingin sa kanya at sa mga kaklase niyang maiingay, nawawalan siya ng konsentrasyon sa pagbabasa. Sa pagkainis malakas na isinara niya ang libro na ikinatigil naman ng lahat

'good'

Tumango tango siya sa nakuhang reaksyon ng buong klase.

Kilala siya sa pagiging tahimik pero kapag nagalit, daig pa ang teacher sa pagbibigay ng parusa. Tumayo siya at lumabas ng klasrom. Ramdam niyang sinusundan siya ng tingin ng kanyang mga kaklase.

'and so what, pakialam ko ba sa kanila, mine they own business.'

At lumabas ng tuluyan. Dumiretsyo siya kung saan alam niya na nakaupo ang taong iyon isang linggo na ang nakakalipas. Nang makarating sa sadya, tumingala siya at nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Napakaganda ng mata niya na itim na itim at buhok na kasing kulay ng kanyang mata.

"anong problema mo?" ngumiti lang ito na lalong ikinamula niya.

"tinititigan ka"

' straight forward pala ang isang ito.'

"bakit mo naman ako tinititigan aber?"

"nagagandahan ako sayo." lalong naningkit ang kanyang mga mata.

"ako ba'y pinagloloko mo?"

"nagsasabi lang ako ng katotohanan nasa sa iyo na kong maniniwala ka o hindi." nakangiti ito na ikinainis niya lalo.

"kilala mo ba kong sino ako?" sabay turo sa sarili.

"kilala kita, ang pangalan mo ay phina dolphy na nakatira sa fairy land na lugar ng mga witches at may ---"

"stop" pigil niya sa taong iyon bago pa nito maisiwalat ang lahat lahat sa kanya.

"how dare you! " ngumiti lang ito sa reaksyon niya.

"alam mong, alam kong magkaiba tayo ng lahi pero sasabihin ko sa iyo ngayon pa lang ang nararamdaman ko, at sa iyo lang "

Handa na siyang tarayan ito ng matigilan sa sumunod na sinabi nito na ikinatulala niya.

" I love you at kapag sinabi ko to meaning ikaw ang nakatadhana sa akin, handa akong maghintay na mahalin mo rin ako sa ngayon hahayaan mo na kita at alam mong kapag nagmahal kami hindi kami basta basta sumusuko." sinserong sabi nito.

Hindi niya alam kong magpapakatotoo ba siya o magdedeny sa sarili. Naumit bigla ang kanyang mga labi. Sasara, bubukas na para bang may gustong sabihin pero hindi maituloy.

"Hindi kita minamadali, maghihintay ako sa sagot mo pero please give me a chance to prove myself to you that how much I love you. " naglakad na ito papalayo, sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa mawala ito. Naparalisa siya, hindi niya alam ang gagawin o mararamdaman, maiinis ba sa sarili o magagalit

' Ewan'

Sabay bell na hudyat na magsisimula ang klase, Dali dali siyang tumakbo pabalik ng klasrom. Kasabayan niya lang dumating ang teacher at naipagpasalamat niya iyon.


Mystery POV


'hindi nila dapat malaman ang lihim ko, walang sinuman ang dapat makaalam sa bagay na iyon.'

Napatigil ito sa paglalakad ng may humarang sa daraanan nito at lumuhod.

"Mahal na prinsepe, pinapatawag po kayo sa palasyo." Tumingin lang ang tinawag na prinsepe sa nakaluhod. At inilibot ang tingin sa paligid na sinisiguradong walang sinuman ang nakakakita sa kanila, ng makasiguradong nasa tago silang lugar at walang sinuman ang nasa paligid ibinalik nito ang tingin sa kaharap.

"tumayo ka at baka may makakita sa atin at malaman nila ang sekreto ko."

Tumayo ang nakaluhod.

"masusunod kamahalan"

"bakit nila ako pinapatawag?"

"wala po silang ibinigay na detalye, inutusan lang po akong sunduin kayo" alam ng Mahal na Reyna na ayaw na ayaw niyang maraming sumusunod sa kanya kaya palagiang isa ang pinapadala nito.

"pero nakita ko na siya" Hindi niya napigilang isatinig. Napatingin lang sa kanya ang kaharap pero hindi nagsalita at ipinapasalamat niya iyon.

Bago tuluyang umalis, sumilip muna ito sa isang klasrom at tumingin sa isang estudyante na nakapukos na nakikinig sa teacher. Naramdaman siguro ng tinititigan kaya napatingin sa labas.

Nagsalubong ang kanilang mga paningin ng ilang segundo pero ang estudyante ang unang nagbawi ng tingin.

'babalikan kita'

Pangako nito sa sarili bago nagsimulang maglalakad papalayo.

Sa tagong lugar may lumabas na taong kanina pa nakasubaybay sa mga papalayo.

Sumilip ito sa sinulyapan ng sinusundan bago tuluyang umalis at makita ang sadya nito. Tamang tama na napatingin ang estudyante sa pangalawang pagkakataon kaya nagkasalubong ang kanilang paningin.

Mas matagal silang nagtitigan kompara sa naunang nakatayo sa labas ng klasrom. Napangisi ito bago naglakad papalayo. Sinundan ito ng tingin ng estudyante na napuna ng guro na hindi nakikinig.

"miss reymundo, " Tawag nito sa estudyante pero hindi ito pinansin. Tinawag ito ng ilang ulit ng guro pero parang wala itong naririnig na nakatingin sa labas. Sinundan ng guro ang tinitingnan ng estudyante at ang una nitong napansin na bukas ang pinto. Naglakad ito papalapit sa pintuan at isinara ito. Biglang nagulat ang estudyante, napatingin sa guro na nakatingin sa kanya na may pagtataka sa mukha. Inilibot nito ang paningin sa paligid at ng mapansin na nakatingin sa kanya ang buong klase bigla siyang namula at napayuko.

Hiyang hiya sa buong klase at guro ang estudyante na nakatulala kanina.

"any problem?"

Umiling lang ang tinanong at nagpukos na sa buong lektyur ang estudyante sa klase.

MYSTERY ACADEMYWhere stories live. Discover now