Merry Christmas sa inyong lahat, enjoy reading!!!!
Mystery 15 :
Lans POV
Nasa mall ako ngayon, naghahanap ng botika. Nagtataka lang ako kung bakit nakatulog si blue ng napakahaba. Hindi naman siya nilalagnat. Wala naman siyang sakit. Lahat kami nag-aalala na.
Sana naman walang masamang epekto ang paglalakbay namin. Naalala ko pa noong paggising ko.
One day ago
Umuungol na napabangon siya mula sa pagkakahiga.
'bakit malamig ang hinihigaan niya?' tanong niya sa sarili, unti-unti niyang minulat ang mga mata.
Una niyang na silayan ang kubre kama na kulay asul na may iba't-ibang uri ng sukat ng star na nakadesenyo. Napabangon siya ng di-oras.
"ouch"
Napahawak siya ng hindi oras sa sentido dahil sa biglaang pagkirot nito. Naghintay muna siya ng ilang minuto bago mapagpasyahang bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. Napatigil siya sa partikular na direksyon.
Nakita niya na mahimbing na natutulog si Irene sa higaan nito. Lumapit siya at hinimas ang tuktukan nito.
" mabuti naman at walang nangyaring masama sa iyo." at hinalikan ito sa noo bago lumabas ng kwarto.
Bumaba siya ng bahay at naabutang nag-aalmusal ang ina ni Irene kasama ang nag-iisa nitong kasambahay.
"oh, lans gising kana pala, kumain kana, hindi na kita inistorbo kagabi dahil alam kong kailangan mo ng pahinga." sabi ng ginang.
"salamat po" tinanggap niya ang inabot nito at nagsimula ng kumain.
"walang anuman." at pinagpatuloy nito ang pagkain.
Lumipas ang maghapon pero hindi pa rin bumababa si blue. Nagsimula na kaming mag-alala kaya pinuntahan namin ito sa kanyang silid.
Pagpasok naming, naabutan namin siyang natutulog ng mahimbing. Napakalalim ng paghinga nito at mukhang walang balak bumangon. Nagsisimula na kaming magpanik pero hindi, kailangan niyang maging mahinahon at mag-isip.
"ipatingin natin siya sa doktor." sabi niya sa ginang. Umiling lang ito.
"baka bukas pa siya magising, hayaan muna natin." tumayo ito at lumabas ng silid, sumunod naman sa kanya ang kasambahay nito na hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan. Tumingin siya rito bago lumabas ng kwarto
'bakit hindi man lang nag-aalala ang ginang? At alam na alam nito ang dapat gawin?' umiling na lang siya para maalis ang iniisip. 'Masyado na akong napaparanoid'
Kinabukasan
" iho, bumili ka muna ng gamot sa botika, kailangan ni Ren 'yon pagkagising niya." tinanggap niya ang inabot nito at tumango lang siya bilang sagot, nagsimula palakad palabas ng bahay.
At ngayon, naglilibot na siya at hinahanap kung nasaan ang botika. Kanina pa siya ikot ng ikot pero kahit isa wala pa siyang nakikitang botika. Nang magpasya na siyang magtanong sa isang babae, ng may mabanggaan siya. Magsasalita na sana siya para humingi ng paumanhin ng magkasalubong ang kanilang paningin.
Sa isang kisapmata lang, naramdaman niya ang sakit na nagmumula sa kanyang lalamunan na anumang oras ay nakahandang paslangin siya. Muli nagsalubong ang kanilang paningin ng taong iyon. Kung kanina ay brown ang kulay ng mata nito, ngayon naman ay kulay pula na palatandaan na nagagalit ito at handa ng pumaslang anumang oras.
"anong ginagawa ng isang tulad mo sa ganitong lugar? Nandito ka ba para paslangin kami at puksain?......" magsasalita pa sana ito ng putulin niya.
"woah! Hindi naman ako ang unang sumugod sa ating dalawa " naramdaman niya na lang niya na humigpit ang pagkakasakal nito sa kanya. ' Mali ata ang pagkakasabi ko'
YOU ARE READING
MYSTERY ACADEMY
Mystery / Thriller( First Book of " Mystery Academy " Trilogy ) A fiction story.. about the girl who is special not only in human world but also in the other three more creatures( group) that existing in the shadow of the bright sun.. underneath the calm sky. and w...